Nakasama ko si Troy magdamag sa hospital.Pinilit kong magpagaling para kay Daddy.Gusto ko itong makita bago ilibing.Na kay Ate Carol pa rin ang singsing.Siya na ang bagong may hawak nito.
Isang araw bago ilibing si Daddy ay nairelease na ako sa hospital.Agad ay nagtuloy kami sa chapel na pinagburulan ni Daddy.
Kasama ko na ngayon si Troy at si Ate Carol.
"Condolence."si Ate Carol."Ikaw na lang pala mag isa sa buhay ngayon..parehas na tayo."
Tumango ako at hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.
Niyakap ako ni Ate Carol at hinimas himas ang likod ko."Kaya mo yan."sabi pa nito."Magsisimula ka nang humarap sa buhay mo ngayon Divina.Nandito lang ako sa tabi mo na puwede mong puntahan."
Pakiramdam ko nakahanap ako ng bagong kakampi.
At si Ate Carol yun.
"Pagkatapos ng libing ni Daddy.Haharapin na natin si Helen.Tatapusin na natin ang kasamaan niya."sabi ko.
Tumango si Ate Carol.
"Mag leleave ako sa hospital ng 3 days para bumalik sa Kalye Maligaya.Pupuntahan natin ang bahay ni Helen.Ibabalik na natin ang singsing sa kanya."Si Ate Carol.
"Isasama ko si Troy para mag drive ng kotse papunta doon."
"Magtatapat ka na ba sa kanya ?"tanong nito.
"Oo."sagot ko."Oras na para malaman niya na ang lahat."
Tumango tango si Ate Carol."Ikaw bahala."sabi nito.
Kaming dalawa ni Troy ngayon ang nag uusap.
"Troy..may ipagtatapat sana ako sayo."sabi ko.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Ano yun ?"tanong nito.
"Kung aaminin ko sayo lahat...magagalit ka ba sa akin?"tanong ko.
Umiling ito."Hindi !"
"Kilala ko kung sino ang pumatay kina Elise at Gabriel."pag amin ko.
Nagulat ito."Ha !? Kilala mo kung sino ang pumatay sa kanila ?!"
Tumango ako."Oo Troy.Nandoon ako ng patayin sila."
"Pero bakit inilihim mo ?Bakit hindi mo ginawang witness ang sarili mo .?"tanong nito.
"Dahil alam kong walang maniniwala sa akin."
Humarap sa akin si Troy."Tell me..sino ang pumatay sa kanila ?"tanong nito.
"Isang multo Troy..ang babaeng nakaputi..pumapatay siya nang dahil sa isinumpang niyang singsing."sabi ko.
Napailing iling siya.Nakakunot ang noo.
"Mahirap paniwalaan Troy pero believe me..totoo lahat ang mga sinasabi ko.Siya rin ang pumatay sa Auntie ko.At siya rin ang dahilan kaya kami naaksidente ni Daddy."
"Ano bang singsing yan ? Saan yan galing ?"
"Ang isinumpang singsing ni Helen.Ibinigay ito ni Lola Dolores sa akin.Pamana niya ito sa akin."
"Sinong Helen ?"
"Ang totoong may ari ng singsing.Matagal nang patay ito."
"Alam ito ni Ate Carol..ipapakausap ko siya sayo tungkol sa sinumpang singsing ni Helen."dagdag ko.
"Alam nang Carol na yun ang tungkol sa singsing ?"
"Oo..Ito ang pinag usapan namin noong nasa hospital tayo."sabi ko."Ngayon Troy patawarin mo sana ako kung naglihim ako sayo."
Niyakap ako ni Troy.Hinalikan ako nito sa noo.
"I believe you..di ba sabi ko sayo na nagpromise ako na ipagtatanggol kita sa multo."sabi nito.
Kinurot na naman ni Kupido ang puso ko.
In love na ako sa lalakeng ito.
"Oo."sabi ko.
"Ngayon..gagawin ko para sayo."matapang na sabi nito.
Hindi ako makasagot.
Katahimikan.
Confirmed na.Mahal ko na ang lalakeng ito.
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
HorrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!