Part 38 Ang Bangungot

3.8K 85 7
                                    

         Pagkatapos namin maglinis ay naisipan ni Ate Carol na mamalengke.Sumama kami ni Troy sa kanya.Hindi na namin ginamit ang kotse ni Troy sapagkat ipinarada na ni Troy ang kanyang kotse sa garahe.

        Pagkatapos namin mamalengke ay nagluto na kami ng makakain para sa hapunan.Kahit sa matagal na panahon ay maayos at sumisindi pa rin ang mga flourescent lights sa bahay nila Ate Carol.Ganoon din ang tv nila ay gumagana pa rin.Nanood kami ng tv pagkatapos namin kumain.Nang nakaramdan ako ng antok.Siguro dala marahil sa sobrang pagod sa paglilinis namin ng bahay.

      Nakahiga ako sa sofa.Natanawan kong nanonood ng tv sina Ate Carol at Troy nang dalawin ako ng antok.Maya maya hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako.

      Naaalimpungatan ako sa sigaw ni Ate Carol.Hinanap ko si Ate Carol  pero hindi ko ito makita.

      Hinahanap ko rin si Troy sa loob ng bahay ay hindi ko rin ito makita.

     Nasaan sila ?

     Sumigaw ako.Tinatawag ko ang pangalan nila pero walang sumasagot.

     Pumunta ako sa kuwarto ni Ate Carol.Wala ito.Tinawag ko ang pangalan niya.Walang sumasagot.

     Nang may naramdaman akong tumutulong dugo sa balikat  ko.Tiningnan ko kung  saan galing ito.Tumingala ako sa kisame.Nanghilakbot ako sa nakita.

      Nasa itaas ng kisame si Ate Carol patay na ito.Hawak ito ni Helen.

     "Siya ba ang hinahanap mo ?"tanong nito.

     Ibinagsak ni Helen ang bangkay ni Ate Carol sa akin.Dahilan kaya ako bumagsak sa sahig.Nakadagan sa akin ang bangkay ni Ate Carol.

     Inalis ko sa pagkadagan sa akin si Ate Carol.

     Humahalakhak si Helen.

     Tumayo ako at tumakbo palabas ng kuwarto ng natisod ako.Napadapa ako ulit.

     Nasa sahig si Troy.Duguan.Patay na rin ito.

     Napaiyak na ako.

      Humahagulgol na ako ng iyak.

     Nang may humawak sa paa ko.

      Si Helen.

      "Hindi ka na makakatakas sa akin Divina.Harapin mo na magiging kamatayan mo !"sabi nito kasabay ng paghalakhak.

       Pilit akong kumakalawala sa pagkakahawak niya sa paa ko.

      "Bitiwan mo ako !"sigaw ko.

      Nang maglaho ito sa paningin ko.

      Katahimikan.

      Bumuntong hininga ako.

      Nang may isang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko.

      "Handa ka na bang mamatay Divina !"sigaw nito.

      Tumili ako.

       "Mamatay ka !"sabi nito.

       At nilaslas niya ang leeg ko !

        Nagising ako sa isang  malakas na sampal.

       Si Ate Carol nakaharap sa akin.

        "Nananaginip ka."sabi nito.

        Bumungad na rin sa paningin ko si Troy.

       "Kanina ka pa umuungol kaya sinampal ka ni Ate Carol."sabi nito.

        Bumangon ako."Binangungot ako.Pinatay daw tayong lahat ni Helen."sabi ko.

       Niyakap ako ni Ate Carol."Huwag kang mag alala Divina.Ang panaginip mo ay hindi totoo sapagkat ang panaginip ay baligtad."

      Hinagod hagod ni Ate Carol ang likod ko."Makakaharap natin bukas si Helen nang ligtas tayo."sabi nito.

     Sana nga..usal ko.

     Sana nga  ay makauwi kami ng buhay sa mga malupit na kamay ni Helen !

   

 

     

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon