Part 34 Ang Konklusyon

3.9K 88 0
                                    

"Handa ka na bang malaman ang lahat?"tanong sa akin ni Ate Carol.

Tumango ako.

Nagsimula nang magkuwento si Ate Carol sa akin.

"Magbestfriend kami ni Helen.Boyfriend ni Helen si Adrian.May gusto ako kay Adrian pero inilihim ko ito kay Helen alang alang sa pagiging magkaibigan namin.Nagtapat si Adrian sa akin nang pag ibig.Bagay na ikinagulo ng isip ko.Mahal ko si Adrian pero best friend ko si Helen.Ipinaglaban ako ni Adrian kay Helen.Ipinagtapat namin kay Helen ang relasyon naming dalawa.Bagay na ikinagalit nito sa amin.Sinumpa niya kaming dalawa na kahit sa kamatayan ay paghihiwalayin niya kami.Dahil sa matinding galit at poot niya sa amin ay nakipagsunduan siya sa demonyo.Nakaisip siya ng isang bagay na puwedeng ibigay kay Adrian para bumalik ito sa piling niya...ito ay ang singsing..pero nabigo siya.Nasa piling ko pa rin si Adrian.Ginawa niyang baliw ang sarili niya para lang bumalik ulit sa kanya si Adrian pero nabigo pa rin ito.Dahil sa nangyari ay inutos niya sa demonyo na patayin si Adrian.Namatay ito.Tuluyan nang sumanib si Helen sa demonyo.Gumawa siya ng isang sumpa.Isinumpa niya ang singsing sa harap ng demonyo.Kung sinuman ang kumuha at gagalaw ng singsing ay mamamatay.Sa una ay nabigo siyang patayin ako.Dahil sinaksak siya ng sarili niyang ina.Pinatay siya nito.Sa harap ko mismo.Pero ang nakakapagtataka ay naglaho ang bangkay ni Helen.Napasaakin ang singsing na isinumpa ni Helen.Lalong tumindi ang kasamaan ni Helen sa akin.Pinatay niya ang Mama ko.Si Daniel na manliligaw ko.Ang Tita Marisa ko.At ako ang pinakahuli pero nabigo pa rin siyang patayin ako.Nabunggo ako ng truck nang mga araw na iyon na dahil sa tangkang pagpatay niya sa akin.Akala ko ay katapusan ko na ang lahat pero nagkamali ako.Himala na nabuhay pa ako.Inampon ako ng nakabangga sa akin.Iniwan ko ang Kalye Maligaya.Dinala nila ako sa Maynila.Pinag aral nila ako bilang kabayaran sa aksidenteng nagawa nila sa akin.At heto ako ngayon... isa nang ganap na nurse.

Tumango tango ako.Nagtanong ako."Bakit napunta kay Lola Dolores ang singsing ?"

Nag isip si Ate Carol at maya maya ay nagsalita ito."Nang mabangga ako ng truck ay naalala ko na nabitawan sa kamay ko ang singsing at humagis ito at gumulong sa lupa.I remember napulot ito ng isang matandang babae bago ako nawalan ng malay."

"Ang Lola Dolores ko ?"tanong ko."Ang Lola Dolores ko ang nakapulot ng singsing.Oh my god !"sambit ko.

Tumango si Ate Carol.

"Pero sa Kalye Malihis si Lola.Paano napunta si Lola sa Kalye Maligaya ?"

Sumagot si Ate Carol."Maaari sigurong may pinuntahan siya ng mga araw na iyon."

Naaalala ko naglalako pala ng mga tanim na gulay si Lola.Nagtitinda si Lola ng mga tanim nito at napadpad siya sa lugar na yun.

"Malapit lang ang Kalye Maligaya sa Kalye Malihis."si Ate Carol.

"Ibig sabihin si Helen ang pumatay sa Lola ko."sambit ko.

Tumango ito.

"Namatay ang Lola ko nang araw na naibigay sa akin ang singsing..ibig sabihin naisalin sa akin ang sumpa."sabi ko.

"Pinatay ni Helen ang Lola mo Divina...dahil sa isinumpang singsing."

Napaluha ako.

"Pero bakit ginawa sa akin ni Lola ito ?"tanong ko.

"Ikaw ang naisip niyang paraan para maisalin sayo ang sumpa.Mahina na ang lola mo at pinahihirapan ni Helen ito kaya siguro ipinamana sayo ang singsing."sagot nito.

Humikbi ako.

"Huwag kang mag alala..tutulungan kita."sabi nito."Sa akin nag simula ang lahat...Sa akin din ito magtatapos."matapang na sabi ni Ate Carol.

"Anong gagawin mo ?"tanong ko.

"Kung ipagtitiwala mo sa akin.Kukunin ko ang singsing.Pagtutulungan natin tapusin ang kasamaan ni Helen."

Inabot ko sa kanya ang singsing.

"Habang hindi ka pa nasusundan ni Helen..magpagaling ka na muna."payo sa akin ni Ate Carol."May pupuntahan lang muna ako.Babalik ako bukas."paalam nito.

Tumayo ito at lumabas na ng kuwarto.Pumasok na sa loob si Troy.


Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon