Sabado ngayon.Umalis si Auntie Sophia at pumasok na si Daddy sa office nito.Ang dalawang katulong lang ang kasama ko dito sa bahay.
Nag isip ako ng puwedeng gawin.Magluto kaya ako.Tulungan ko kayang maglaba ang mga katulong.Nabobored ako sa bahay.Si Elise alam ko busy yun kay Gabriel at malamang puyat yun kagabi.
Maglinis na lang kaya ako ng kuwarto ko.Niligpit ko ang pinaghigaan.Nagwalis ako ng sahig at nagpunas ng mga nakadisplay kong pigurin at abubot .Nang aksidenteng natabig ko ang picture frame na magkayakap kaming dalawa ng bff ko ...si Elise.
Bumagsak ito sa sahig at nabasag ang salamin nito.Pinulot ko ang picture naming dalawa.Niwalisan ko ulit ang sahig na kung saan nakakalat ang bubog.
Bibili ulit ako ng bagong frame sa isip ko.Tinabi ko ang picture sa ibabaw ng tokador .Pagkatapos kong maglinis at mag ayos ng mga gamit ko ay nanood ako ng tv.Nang mag ring ang cp ko.Si Elise ang tumatawag.Sinagot ko ito.
Nanginginig ang boses nito."Hello D !"sigaw nito sa kabilang linya."Please help me!"pagmamakaawa nito.
Nag alala ako."Bakit akong nangyari?"
"Somebody trying to kill me.Patay na si Manang Lita at si Gabriel !"balita nito..nanginginig ang boses.
Nagulat ako sa balita nito."Si Manang Lita at si Gabriel patay na ! Sinong pumatay !?"sigaw ko sa kabilang linya.Taranta na ako.Si Manang Lita ay matagal na nilang katulong sa bahay.
"Nakita ko ang babaeng nakaputi sinasabi mo..she's trying to kill me !"hysterical na si Elise."Pinatay niya si Manang Lita at si Gabriel...at ako na ang isusunod niya !"
Ang babaeng nakaputi.Oh my god ! Kaya pala nakita ko siya kahapon sa school at agad din itong nawala dahil sinundan niya pala sina Elise at Gabriel sa bahay nito.
"Please..D ! Tulungan mo ako !"sigaw na nagmamakaawa nito.Naririnig ko sa kabilang linya ang pagtitili nito.
"Okay ! I'll be there in 5 minutes."sabi ko ..pinatay ko na cp ko.Sa sobrang taranta ko..naibalabag ko sa kama ang cp ko.Pinatay ko ang tv.Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng kuwarto at agad akong bumaba ng hagdanan.Nasalubong ko si Aling Maring.
"Mam saan po kayo pupunta ?"tanong nito.
"Sabihin mo kay Auntie umalis ako at may pupuntahan lang ako sandali !"bilin ko.
Humahangos akong lumabas ng main door at nagtuloy sa may gate.
"Aling Maring pakisarado na lang po ang gate !"sigaw ko.
Lakad takbo ang ginagawa ko papunta sa may main gate ng village namin.Para naman sinasadya na may napara akong taxi agad paglabas ko .
"Saan po tayo mam?"tanong ng driver.
"Sa may White House Village.Pakibilis lang po mama kasi importante lang po."sabi ko doon sa driver.
"Opo mam."sagot nito.
Para naman kaming nililipad sa bilis ng patakbo ng driver ng taxi.In just 5 minutes nandito na kami sa bahay nila Elise.Binayaran ko na ang driver at bumaba na ako sa taxi.Nag thank you ito at umalis na agad .
Mabilis ang kilos ko .Agad nagpunta ako sa may gate nila at nagtuloy tuloy sa loob papunta ng main door .
Kinakatok ko ang pinto at sumisigaw akong tinatawag ang pangalan ni Elise .
"Elise ! Where are you ? Nasaan ka ?!"tawag ko.
Walang sumasagot.Nakalock ang pinto.
Sumilip silip ako sa paligid ng puwedeng mapasukan sa loob ng bahay.Naisip ko ang bintana .Sliding window ito.Naisip kong pumasok doon.
Nagkasya ako.Nagawa kong pumasok sa loob ng bahay.Sa sala palang ay nakita ko na si Manang Lita na nakahandusay sa sahig.Duguan ito.Halos naliligo sa sariling dugo.
Natakpan ko ang sarili kong bibig sa nakita.Agad ay umakyat ako ng hagdanan.Tinatawag ko ang pangalan ni Elise .Pumasok ako sa kuwarto nito.Nakita ko si Gabriel na nakahandusay sa sahig at duguan din ito.
Nang may narinig akong nagsalita."Nagpunta ka ba dito para tulungan ang best friend mo?"tanong nito.
Napalingon ako kung sino ang nagsalita .Ang babaeng nakaputi ! Nakita ko na ang totoong mukha nito.Hindi na ito inaagnas gaya ng dating nakikita ko.
Hawak niya si Elise.Tinakpan niya ng kanang kamay nito ang bibig ni Elise.Habang nakatutok sa leeg ni Elise ang patalim na hawak sa kaliwang kamay nito.
Nakikita ko.Umiiyak si Elise.
Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak.
"Pakawalan mo ang kaibigan ko !"sigaw ko."Ano bang kailangan mo ?!"
"Ang kaluluwa niya."sabi nito habang nakangisi sa akin."Ang sinuman humawak ng singsing ko ay mamatay at ang mga kasama nito !"humalakhak ito.
"Ito ba ang kailangan mo ?"sabi ko habang pilit kong inaalis ang singsing sa daliri ko .Ayaw nitong matanggal.
"Huwag kang mag alala mamamatay ka rin kagaya nila !"sabi nito at humalakhak ito ng malakas .
Kahit anong pilit kong alisin ang singsing ayaw nitong matanggal.
"Handa ka na bang makita ang magiging kamatayan ng kaibigan mo ?"tanong nito.
Hindi ako makapagsalita.Si Elise umiiyak ito.Tiningnan ko siya sa mata at tila nagmamakaawa ito sa akin.
"Panoorin mo !"sigaw nito.
Nilaslas niya ang leeg ni Elise.Bumulwak ang dugo mula sa leeg nito !
Napatili ako ng malakas.
Nakita ko na nangingisay sa sahig si Elise...hang gang sa mamatay ito.
Tili pa rin ako ng tili.
"Hindi pa ako tapos...humanda kayo !!!"sigaw ng babaeng nakaputi sa akin.
Pagkasabi ay naglaho ito.
Naiwan akong nag iisa at humahagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
TerrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!