SEAN'S POV:
Grabe!!
Ganon pala kahirap sabihin nung salitang 'I'm sorry' lalo na kung alam mong ikaw talaga ang may kasalanan.
Oo first time kong mag sorry.
Wala naman kase akong pake kung may nagagawa man akong mali sa iba.
Para kaseng wala naman silang pake kung magsorry ako o hindi kaya hindi na alang ako nag sosorry.
Kagabe ko pa sana balak mag sorry sa kanya e, kaya sinundan ko sya.
Kaso paglabas ko nakita ko syang nakangiti na at nag uusap sila ni Dale.
Akala ko wala lang sakanya yung ginawa ko kaya hindi ko na lang tinuloy.
Pati umalis na agad sya e.
Pero kitang kita ko nun kung pano nawala yung ngiti nya nung tawagin ko sya.
Nilapitan ako ni Dale nun at tinanong kung bat daw umiiyak si Crisha.
Nagulat pa nga ako e. Hindi ko naman kase alam na umiyak sya.
And for the very first time in my life, I felt guilty.
Ayoko kase talagang makakita ng mga umiiyak na babae.
Ayoko.
Kaya ayun, sinabi ni Dale na humingi daw ako ng sorry sakanya.
Pero kahit hindi na sabihin ni Dale yun, gagawin ko parin naman e.
And I felt like for the first time, I did something mature in my life.
And it's because of her.
FAST FORWARD!
CRISHA'S POV:
1 month.
1 month na ang nakalipas mula nung magsorry saken si Sean at akala ko magiging okay na.
Yung hindi na nya ako guguluhin, hindi na nya ako aasarin.
Pero hindi e!
Oo nga hindi na nya ako inaasar kapag nasa resto ako't nagtatrabaho peroo...
kapag nasa school. ganon parin!
Madalas parin kaming magbangayan at magsigawan.
Nasanay na nga samin yung mga kaklase namin e.
Minsan tuloy napapaisip ako kung sincere ba talaga sya nun nung magsorry sya saken.
Kase naman e!
Araw araw kumukulo parin ang dugo ko sakanya!
Hmm.. well, hindi na katulad nung dati na sobrang naasar ako at naiinis talaga sakanya.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomansaWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?
