Pagkatapos nung game, ayun..
Nanalo yung kabilang school.
Galing kase nung no. 3 e sinabayan pa nung no. 6.
Ano nga ulit apelyido nun?
Ayun! Si Mr. Enriquez.
Infareness! Pogi rin. Waaaaaaah!
Andaming pogi sa kabilang school.
Lipat na kaya ako? HAHA joke lang.
Saka ko lang nalaman na kaya pala may game sina Dale kase Intrams week na next week.
Kasama pala yung camping ng mga seniors sa Intrams ng school.
At! sa larangan ng basketball yung dalawang school talaga na to ang mahigpit na magkalaban.
Kumbaga yun talaga ang inaabangan na laban every year.
Sa lahat kase ng schools na naglalaban laban silang dalawa lage ang umaabot sa championship at last year lang champion ang school namin at ang MVP ay ang Dale my loves ko.
Odiba? Ang galing!
So yung game na yun kanina parang warm up lang ng mga teams kase next week pa yung start ng championship.
Bale 3 games yun at ang unang manalo ng 2 beses yun na ang champion. Nagets nyo ba?
Magulo talaga si author mag explain e.
Antok na daw kase sya. Hihi.
Friday ngayon at intrams week na next week kaya wala na daw muna kaming formal class kaya dinismiss na kami ng teacher namin.
Ang boring tuloy. -_-
Ano naman kayang gagawin ko maghapon? 6pm pa yung trabaho ko.
Ay oo nga pala! May dapat pala kaming pag usapan ni Kaye.
Asan na nga ba yun?
Lumabas na ko ng room para hanapin si Kaye.
"Oy Chubs! San punta?"
Nakasunod pala tong ugok na to saken.
Ano nanaman bang kailangan neto?!
Ako: Sa lugar na malayo sayo.
Tapos diretso na ulit ako sa paglalakad.
Asan ka na ba kase Kaye?!
Sean: Ouch! Ang sakit nun Crisha. Tagos dito oh! Awts.
Isa pa to e.
Wala talagang magawa sa buhay nya.
Di ko na nga lang papansinin.
Sean: Sino ba kaseng hinahanap mo? Si Dale nanaman ba? Ano bang meron dun? Bat mo nagustuhan yun?
Ako: Ang dami. Yung mga bagay na wala sayo, andun sa kanya. Kaya pwede ba?!. Hindi sya ang hinahanap ko. Si Kaye.
Sinabe ko yun ng hindi lumilingon sa kanya.
Hinintay ko ang isasagot nya pero nakalipas na ata ang 10mins hindi pa sya sumasagot.
Ang akala ko wala na sya sa likod ko pero nung lumingon ako..
Sean: Alam ko kung nasan si Kaye.
Seryosong sabi nya.
O anyare sa mukha nya?
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?
