CHAPTER THREE

137 6 0
                                    

SEAN'S POV:

Bilis talaga ng araw.

1 week na ang nakalipas mula ng first day of school at hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo saken ng babaeng yun.

Ewan ko ba, nag eenjoy talaga akong asarin sya e.

Parang di kompleto ang araw ko kapag di sya nabibwiset saken.

Pero napapansin ko lang, madalas ko syang mahuli na nakatingin kay Dale.

Di kaya...?

Ano bang pake ko dun?

Basta ang gusto ko lang asarin sya. HAHA.

Hmm... Di ba nabanggit ko na sainyo na gitarist ako ng isang banda?

Yep, at every fridays and saturdays tumutugtog kami ng banda sa isang bar na pag mamay ari ng parents ko.

Pinatayo nila yun para saken kase alam nila na mahilig ako sa music at nagbabanda ako.

Tss. kung alam ko lang, ginawa nila yun para hindi ako magtampo sakanila.

E hindi naman nila ako masisisi e. For 16 years, nabuhay ako na wala sila sa tabi ko.

Na tanging sina lolo at lola lang ang nag alaga saken. 

Kaya dapat hindi na sila magtaka kung bat malayo ang loob ko saknila.

Puro kase sila business! Business! Business!

Tapos pakapanganak saken, iniwan ako kina lola tapos bumalik sila ng Korea kasama si Ate!

Ano yun?!

Hindi nila ako anak? Si Ate lang?! Tsk!

Well, sanay na din naman ako na wala sila.

Actually, mas naiilang nga ako kapag umuuwi sila dito e.

Oo, sinusuportahan nila ako financially. Hindi naman sila nagkulang dun, sobra sobra pa nga e.

Pero hindi naman sa lahat ng oras yun ang kailangan ko.

Ah basta! Nagiging madrama na to. Ang bading!

Basta yun, lumaki ako kina lolo at lola. Tapos nung 12 years old ako, umuwi sila.

Kasama ang bago kong kapatid. Oo may kapatid ako.

Si Seana Mica Park. 4 years old na sya.

Tulad ko, iniwan din nila si Mica kina lola.

Ang bubuti nilang mga magulang diba? Si Ate lang ata ang tinuturing nilang anak nila e.

We're pure Koreans pero pilipinong pilipino ang asal namin ni Mica. 

Yun ang turo samin nina Lola na mas piniling dito na lang tumira sa Pinas.

Sa totoo lang, mas mahalaga sakin sina Lola kesa sa mga totoo kong magulang. 

Wala naman silang kwenta e. Tss. -_-

"Kuyaaaaaaaaaah!!!"


Kita kong tumatakbo palapit saken aking little princess.

Ako: Baby!!

Tapos binuhat ko sya. Ang cute talaga nitong batang to.

Manang mana sa Kuya.

Ako: Asan pasalubong?

Pinisil ko ang pisnge nya. Sya nga pala si Mica, ang prinsesa ko.

Aish! Ang corny! >.

Ako: Awww, baby pwede bang kiss na lang ang pasalubong ni Kuya?

When Love Comes Your Way (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon