CRISHA'S POV:
Geez! 5PM na! Hindi parin tumitila ang ulan!
Sobrang lakas parin! Fudge! Naalala ko pa yung huling sinabi ni Sean kanina.
'Hihintayin kita.'
Waaaaaaaah! Kailangan ko na talagang pumunta dun!
Aish! Bahala na. Ulan lang yan. Kaya ko yan!
Ako: Uhm.. Dale. Mukhang hindi na titila ang ulan e.
Kailangan ko na talaga umalis. Sige ha? Una na ko.
Dale: Teka Crisha, Ihahatid na kita. Wala kang payong e.
Hindi na rin ako umangal.
Baka kase kung ano ng nangyare dun sa Baliw na yun e.
Naglakad na nga kami ni Dale papunta kina Sean.
At wow lang, parang wala lang kaming payong. Basang basa na kami e.
Hindi pa kami nakakarating kina Sean.
Ako: Sorry Dale ah? Nakakahiya naman sayo. Nabasa ka tuloy.
Dale: Wala to. Ayos lang ako.Dalawa naman tayong basa e.
Ako:Oo nga naman. Kwits lang tayo. Hahaha.
Dale: Teka, si Sean ba yun?
Tumingin naman ako sa tinuro nya.
Si Sean nga! Nakaupo sya dun sa labas ng gate nila.
Anong ginagawa nya dun?! May sakit sya, malakas ang ulan tapos.. Ay!
Baliw nga pala talaga tong isang to e.
Ako: Hay! Adik talaga. Ahm, Dale.. thank you sa paghatid ah?
Salamat talaga sige. Una na ko. Ingat ka.
Tumakbo na ako palapit kay Sean.
Kesihodang mabasa e basa naman na ko.
Nakita ko si Sean yakap ang sarili nya.
Ako: Ano bang ginagawa mo?! Baliw ka na ba talaga?!
Nilalagnat ka na't lahat lahat! Aish! Tumayo ka na nga jan!
Sean: B-bat mo k-kasama y-yun?
Ako: Tumayo na sabi e. Halika na!
Inalalayan ko na sya para makatayo then, pumasok na kami sa loob.
Fudge! Nanginginig na sya sa lamig!!
Lola: Susmaryosep! Anong nangyare sainyong mga bata kayo?!
Tanong agad ni Lola ng makapasok kami.
Ako: Ahm, Lola.. san po ba ang kwarto ni Sean?
Lola: Halika, sundan mo ko.
Sumunod na nga kami kay Lola. Inaalalayan ko parin si Sean habang paakyat ng hagdan.
Parang hirap na hirap naman syang maglakad.
Lola: Dito Hija, naku tong batang to oo!
Halika pasok pasok.

BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomansaWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?