SEAN'S POV:
Nakasakay na kami sa ano nga tawag dito? Basta sa bangka na maliit na to.
Hay! Boring naman ng laro na to. Bahala na sila.
Kaya naman nilang paandarin to kahit di ako tumulong.
Wala naman akong pake kung matalo kami e.
Ayan na malapit na, pabalik na kami at sa alam ko, kami na ang nauuna.
Nakita ko pa sina Crisha na hindi na pantay yung bangka nila.
Teka, bat wala syang suot na life jacket?
Nalampasan na namin sila ng maya maya, nakarinig kami ng sigawan.
Agad naman akong napalingon at nakita kong nahulog si Crisha sa tubig.
Mali, hindi sya nahulog, tinulak sya ni Pat!
Hinubad ko na ang life jacket na suot ko at tatalon na sana ako kaso naunang tumalon si Dale at lumangoy papunta kung saan si Crisha.
Hindi na ko tumalon, naisip ko kase na mas matutuwa sya kung si Dale ang magligtas sa kanya. Malamang yun ang gusto nya e.
Pero ano to? Bat naiinis ako?! Bat nagagalit ako?
Bat nararamdaman ko na dapat ako yun?
Na dapat ako ang tumalon para iligtas sya?
Bakit sya? Bakit sya nanaman?
CRISHA'S POV:
"Okay ka na ba?"
Tanong agad sakin ni Dale pagkamulat ko.
Nandito na pala ako sa tent ko.
Ngumiti ako.
Ako: Okay na. Salamat pala. Tsaka sorry.
Dale: Bat ka naman nagsosorry?
Ako: E kase natalo kayo. Dapat kayo mananalo e. Pero dahil tumalon ka para iligtas ako, disqualified kayo. S-sorry.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?
