Dale: He died when I was 6. Car accident.
Ako: Oh my gosh. I'm so sorry.
He smiled bitterly.
Dale: It's okay. That was 10 years ago anyway.
Pero alam mo, hanggang ngayon iniiyakan parin sya ng Mom ko. My Dad was my Mom's great love. Kaya ni minsan hindi nya naisipang magpakasal ulit. Kase tama na raw si Dad sakanya. Kahit wala na sya sa tabi namin. Mahal na mahal parin namin sya.Tanda ko pa nga yung kwento ni Mom dati tungkol sa lovestory nila ni Dad. You know, I don't believe in fairytales and that happily ever after. But when I heard their story.. I realized that maybe somewhere in this world, fairytales do exist. And one of those fairytales is my Mom and Dad's.
They were each other's first love. Sabi nga ni Mom medyo bad boy pa raw si Dad noon.
Mahilig sa away at di pumapasok sa klase. Nagbibisyo din raw si Dad noon. At yun ang naging dahilan kung bat hiniwalayan ni Mom si Dad. Kase parang mas mahal daw ni Dad ang bisyo nya kesa kay Mom.Sabi ni Mom pano raw sya mamahalin ni Dad kung mismong sarili nito hindi nito mahal.
But before they broke up, sinabi raw ni Dad na aayusin daw nya ang sarili nya para kapag nagkita ulit sila e babagay na sya sa Mom ko.Hindi nga raw naniwala si Mom nun e. Pero kahit sobrang sakit nun para kay Mom iniwan nya parin si Dad. With the hope na sana nga maayos ni Dad ang sarili nya.
Then, after 1 year nagkaboyfriend naman si Mom pero hindi rin nagtagal siguro kase si
Dad parin talaga ang mahal nya. Then after 5 years, nagtrabaho na si Mom. Nagkita ulit sila ni Dad. And that time si Dad na ang president ng company na pinagtatrabahuan nya.Sabi ni Mom nung time raw na yun na nagkita ulit sila, there still that same feeling na naramdaman nya nung una silang nagkita ni Dad. At natandaan pa nga ni Mom yung sinabi ni Dad sa kanya noon e. Sabi ni Dad..
"You said there's no such thing as forever but you never said that there's no such thing as a lifetime. That is why I'm here. I came back for you.. Now would you like to spend your lifetime with me?"
Tapos nalaman na lang ni Mom na hindi pala aksidente ang pagkikita nilang yun ni Dad.
Kase mula raw nung magbreak sila inalam daw ni Dad lahat ng nangyayare kay Mom. Pati yung pagkakaroon ni Mom ng boyfriend. Nung time raw na yun parang gusto ng sumuko ni DadPero hindi, pinilit nyang tuparin yung sinabi nya kay Mom. Si Dad kase sa loob ng 6years,
hindi sya nagmahal ng iba ni hindi sya tumingin sa iba. Kase si Mom lang daw talaga ang gusto nya. At nung nawala raw si Mom sakanya, sobrang nagsisi sya. Narealize nya kung gaano kalaking bahagi sakanya ang nawala kasabay ng pag iwan sakanya ni Mom. Kaya ayun, after 5 months, nagpakasal sila.I was born. But when I reached the age 6. Sa mismong birthday ko. He died. Nagmamadali raw si Dad para makarating sa birthday party ko but suddenly he got into a car accident.
Tandang tanda ko pa kung pano umiyak si Mom noon. And seeing my Mom cry is the worst feeling in this world for me.Feeling ko nawalan pa ako ng Nanay sa loob ng 2 years. Yes, 2 years yun na parang wala sa sarili nya si Mom. Lagi lang sya nakakulong sa kwarto nya at umiiyak.
Until one day I decided to talk to her. I was 8 years old then. I asked for my mom to come back. I said to her that I want my Mommy back. Saka ko lang nalaman na nung namatay si Dad, she was 5 months pregnant. Pero dahil sa pagkamatay ni Dad, she lost the baby, she lost my little brother. Because of too much depression.
Then fortunately, after that day I talked to her, unti unti na syang bumabalik sa dati. Unti unti ng bumalik sa dati ang Mommy ko hanggang sa maging okay na ulit. But everytime na may makakapagpaalala kay Mom about kay Dad. She can't help but cry.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?