Ako: Ma, alis na ho ako. Ate, alis na ko.
Mama: Hindi ka na mag aalmusal?
Ako: Hindi na ho Ma, malilate na po ako e.
Ate: Sus. Excited lang yan makita si Dale.
Mama: Dale? Sino naman yun?
Ate: Edi si--
Ako: Wala Ma, Sige ho alis na ko. Bye!
Nagmamadali na kong lumabas ng bahay at pinara agad ang taxi.
Bahala na. Late na ko.
Pagkarating sa school, hindi nga ako nagkamali.
I'm 30 mins late.
Tinakbo ko na yung hagdan para makarating agad sa room.
Buti na lang pagdating ko, wala pa si Mam. Para naman akong nakahinga ng maluwang.
Pero, whoa. Pagpasok ko sa room, nagsitigil sila sa mga ginagawa nila at tumingin sakin.
Owkay? Anong meron?
Nakita ko pa si Chloe na nakatingin sakin ng masama, Hindi ko na lang pinansin.
Tuloy lang ako sa paglakad at nadaanan ko sa upuan nya si Dale. He smiled at me.
Then, nung nadaanan ko si Chloe na nakaupo sa dati kong upuan na nasa tabi ni Sean, nakita ko si Sean na nakatingin saken with no emotion.
Dumiretso lang ako sa upuan ko at naupo dun.
Okay, that was awkward.
Hinayaan ko na lang. Wala naman akong ginawang masama e.
Masama bang malate?
"Oy Crisha, okay ka lang ba?"
Tanong saken ni Gab na seatmate ko.
Ako: Oo naman. *smiles*
Okay lang naman talaga ako e.
Oo okay lang ako, maniwala kayo.
SOBRANG OKAY LANG AKO.
*********
LUNCHBREAK...
At dahil gutom na ako, nagmamadali akong tumakbo papuntang canteen.
Wala si Kaye sabi nya may photoshoot daw sya ngayon kaya mag isa ako ngayon.
Si Dale naman, pinatwag ng couch nila.
Kaya kakain akong mag isa ngayon.
Oo ganto talaga pag marami kang kaibigan.
Madalas kang mag isa. Ang saya diba?
Ako lang at ang loner dito e.
"Hey Crisha."
Nilingon ko naman ang tumawag sakin.
Ako: Ate Liza.
Ate Liza: Im sorry pala sa nangyare kahapon ah? Are you okay?
Ako: *smiles* Sinusubukan ko Ate. Pero hayaan na natin yun.
Ate Liza: Wag mo na lang silang intindihin.
Ang importante alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama.Ako: Salamat ate ah?
Ate Liza: Wala yun. Osige na. Iwan na kita ah?
May klase na kase ako. Ingat ka.Ako: Ikaw din.
Nung umalis na si Ate Liza, minadali ko na yung pagkain ko para makaalis na dito.
Halos lahat kase pinagsisitinginan ako.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?