CHAPTER EIGHTEEN

34 1 1
                                    

DALE'S POV: 




Habang yakap ko si Crisha kanina, naramdaman kong na gusto ko syang protektahan.



Oo, aaminin ko nung una lumapit ako sakanya kase gusto ko syang tulungan dahil dun sa plano ni Sean.

Dahil kung hindi, alam ko namang posible talagang mangyare yung gusto ni Sean at pag nangyare yun, si Crisha ang kawawa.



Pero habang tumatagal at nakikilala ko sya, parang nag iiba din ang rason ko kung bat lumalapit ako sa kanya.


At hindi ko alam kung ano. 

Basta ang alam ko, ayokong masaktan si Crisha lalo na kung si Sean ang dahilan.



Wala akong pakialam kung maulit nanaman ang nangyare samin dati.

Na dahil sa isang babae, nasira ang pagkakaibigan namin.

Alam ko rin na malabo ng magkaayos ulit kami lalo na ngayong nasa eksena na si Crisha.



Sinundan ko si Sean nung umalis sya kanina at tumigil sya sa isang malaking puno.




Linapitan ko sya.



Ako: Sinabi ko na sayo na hindi ko hahayaang maging madali sayo ang gusto mong mangyare.



Sean: At sinabi ko rin sayo na wag kang makikialam sa plano ko.

Di ba walang pakialaman? Anong ginagawa mo ngayon ha?!



Ako: Makikialam ako dahil gusto ko.




Bigla nya akong hinawakan sa kwelyo.




Sean: Balak mo nanaman bang ulitin yung dati ha Dale? Ano?!

Lahat na lang ba aagawin mo?!

Ano bang nagawa ko sayo ha?!



Ako: Wala ka namang ginawa sakin. Pero kay Crisha meron.



Sean: Ano bang pakialam mo ha?!



Ako: Tulad mo, may dahilan din ako kung bat ko ginagawa to.

At alam kong malayo yun sa dahilan mo.

When Love Comes Your Way (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon