CHAPTER THIRTY EIGHT

4 1 0
                                    

After ng scene na yun, sinunod ko ang sinabi ni Dale.

Kunware walang nangyare, kaya pinilit kong maging masigla ulit.

Hindi ko na muna hahayaang maapektuhan ako ng kahit ano.

Kailangang makasayaw ako ng maayos mamaya.

Smile ka lang Crisha. Kunware wala kang problema.

Kunware hindi ka nasasaktan.

Yun ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.

Eto na nga pala kami ngayon nagtipon tipon ulit sa gym.

Para sa fashion show. Then, after nito, magsisimula na ang program.

Sa school grounds naman gaganapin yun. Pero mamaya pa yun kaya dito muna tayo sa Fashion Show. Haha. Masaya to e.

Kasali dito si Kaye at ang model nya ay walang iba kundi si....

tantananan!!

Seth Rodriguez!

Lima silang kasali dito ngayon.

Lahat ng handler nila ay mga girls at ang mga models ay mga straight guys.

Magsusuot sila ng mga damit pambabae na ipapasuot sakanila ng mga handler nila then, irarampa nila yun. HAHA! Grabe! Laptrip talaga!

Mula school uniform, preppy, casual at long gown!

Tawanan lang lahat ng nanonood.

Kita ko pa si Seth na parang ilang na ilang sa ginagwa nya e.

At obvious naman na hindi sys komportable sa mga suot at ginagawa nya e. Hhaha!

Napapaisip nga ako kung pano ni Kaye napapayag yang si Seth na mag ganyan e.

Ang galing talaga ng manipulating powers ng babaeng yun.

At sa huli, si Seth at Kaye nga ang nanalo.

Wahahahaha!

Kasama kase audience impact e.

Sa dami ba anaman ng fans ni Seth dito, hindi pa sya manalo?

Plus! Yung chismis na sila na nga ni Kaye.

Nakakaloka! Ang saya lang panuorin e.

Nakalimutan ko ang problema ko kahit saglit lang.

Pagkatapos ng Fashion Show nagsimula na ang program, kami naman pinag pack up na  ni Ate Liza.

Kailangan daw makompleto na kami by 4pm.

Nandito na pala kami sa backstage ngayon. Nanunood ng program.

12 pares ang kasali sa pageant na to at kasama dun sina Chloe at Sean.

Contestant no. 8 sila.

Alam naman na natin kung ano ang nangayayare sa gantong mga search diba?

Rampa rampa, change outfit then rampa ulit.

Grabe, ang gaganda't popogi nila. Lalo na si Chloe.

Parang sya nga ata ang pinakamaganda e. Si Sean naman, ang lakas ng dating.

Pero bat parang di sya ngumingiti? Seryosong seryoso ang mukha nya habang naglalakad e.

4:30PM na, wala parin si Kai.

Ate Liza: Oh ano daw? Wala pa rin ba?

Tanong ni Ate samin. Andito na kami lahat,maliban kay Kai.

Asan na kaya yung isang yun?

Ate Liza: Crisha, ano? Sumagot na ba?

Ako: Cannot be reached ate e. Kanina ko pa nga tinatawagan.

When Love Comes Your Way (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon