Ako: Ma, andito na po ako.
Pumasok na ako sa bahay. Ugh.
Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod ah?
Mama: Buti naman at andito ka na. Oh Ano?
Kamusta ang camping? Nag enjoy ka ba?
Ako: Okay naman po Ma.
Mama: Sya, sige. Magpahinga ka muna.
Tawagin na lang kita mamaya para kumain.
Ako: Thanks Ma. Akyat na ho ako.
Humilata agad ako sa kama ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto.
HAAAAAH! Nakakapagod.
Namiss ko tong kama na to! Grabe!
Habang nakahiga ako, di ko mapigilan ang mapaisip.
Andami rin palang nangyare sa loob ng tatlong araw.
Tatlong araw lang yun ah? Pero parang isang buwan na.
Mula dun sa muntik na akong awayin ni Pat, yung pagkahulog ko at niligtas ako ni Dale.
Yung pagkanta ni Sean na sintunado, yung nose to nose,
yung yakap kay Dale, yung paghila sakin ni Sean para lang matulog sa balikat ko.
Yung pagtanong ni Dale kay Sean, yung pagsagot nya naman ng 'oo'.
Yung unang beses kong makausap si Kenzo, hanggang dun sa last challenge,
yung umulan, yung niyakap nya ako at hanggang sa inamin ko sa sarili ko na
gusto ko na nga talaga si Sean.
Medyo magulo pero yun lang ang alam kong pwedeng maging rason
kung bat nararamdaman ko ang mga yun.
Grabe, parang ang bilis ng mga pangyayare e.
Kelan lang inis na inis ako sakanya na halos ibaon ko na sya sa lupa
pero ngayon, kinikilig na ako sa mga ginagawa nya saken.
Pwede ba yun?
Aaminin ko, iba tong nararamdaman ko ngayon kay Sean kesa sa nararamdaman ko kay Dale.
Hindi ko maexplain e. Basta ang alam ko magkaiba sila.
Pero crush ko parin talaga si Dale, hindi mawawala yun, pero kase si Sean..
Ewan, hindi ko talaga alam kung pano nagkaganito e.
Basta biglang ganon na lang.
Ang labo no?
Pero speaking of Sean, kumusta na kaya yun?
May lagnat yun e. Tsk.
Oo na. Sige na, tatawagan ko na.
First time ko atang gagawin to ah?
Madalas kase sya tumatawag e.
Kinuha ko na ang phone ko sa bag ko at dinial ang number nya.
Nakailang ring muna bago nya sinagot.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomansaWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?
