'Good morning Cy!! Save mo na tong no. na to ha?
See you later! :) '
Yan ang text na nabasa ko pagkagising ko.
Pagkatapos kong isave yung no nya, nagtext back ako.
To: Kai Ortiz :)
Goodmorning din Kai! Take care. :)
Nagbasa pa ko ng ibang text.
From: Kayeee
Goodmorning Betsy! Goodluck later! ^_^
Nagreply naman ako.
To: Kayeee
Goodluck din sayo at sa model mo. Haha! :D
Then, nakita kong may text din pala si Dale.
From: Dale Crush :)
Nuod ka ng game ah? Aasahan kita dun. :)
At syempre nagreply naman ako.
To: Dale Crush :)
Oo naman! I-chi-cheer pa kita! ^___^
Tapos, wala ng ibang nagtext.
Medyo nadisappoint ako ng konti pero expected ko na din naman na walang message na galing sa kanya e. Nasasanay na din ako ng ganon. *sigh*
Tumayo na ako at naligo, inayos ko na din yung mga gamit na isusuot ko mamaya.
Kaya medjo malaki yung bag ko ngayon.
Ng tapos na lahat, lumbas na ko ng kwarto. At dahil monday ngayon,
Si Mama na lang ulit ang naabutan ko. Maaga kaseng umaalis sina Papa at Ate kapag Monday.
Mama: O, anak, alam kong hindi ka nanaman mag aalmusal kaya eto, Baunin mo na lang.
Ako: Thank you Ma! The best ka talaga! Sige po ah? Alis na ko. Wish me luck! Bye Ma. Love you!
Mama: Goodluck anak! Mag iingat ka.
Narinig kong pahabol pa ni Mama. Nakalabas na ko ng gate at dumiretso na ko palabas ng village.
As usual, magji-jeep nanaman ako. Tss. Medyo traffic pa naman ngayon.
Asar langs.
Yung dating 15 mins na byahe naging 30 minutes!
Aish! Sana di pa nagsisimula! Patay ako neto!
Pagbaba ko ng jeep, tumakbo agad ako sa locker area at iniwan dun ang bag ko tapos takbo ulit ako papuntang gym.
Ang dami ng tao! Nagsisimula na din yung game nina Dale. Uuugh!
Sabi na nga ba late nanaman ako e!
Nakipagsiksikan na ako sa mga tao at naghanap ng mauupuan.
Nakita ko naman sina Ate Liza sa may parteng dun. Kumakaway sila sakin.
Lumapit naman ako at nakiupo na din.
Ate Liza: Late ka.
Ako: Traffic e. Kanina pa ba nagsimula to?
Ate Liza: Hindi naman. First quarter pa lang.
Ako: Hay! Buti naman. E sino na lamang?
Ate Liza: Medyo lamang na ata yung team nina Andrew.
Ako: ANO?!
Ang alam ko, kalaban nina Dale sina Andrew e.
Ibig sabihin, lamang na ang kalaban nina Dale!
First quarter pa lang naman e.
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomansaWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?