LUNCHBREAK
Nasa canteen na ako ngayon tapos hinihintay si Kaye. Nag CR kase.
Lagi kaming sabay mag lunch nyan. Si Kaye umoorder ako naman nagbabaon.
Naku, gastos pa kase e. Tapos mas masarap naman luto ni Mama kesa sa mga tinda dito.
Aish! Ang tagal naman! Asan na kaya yun?
Di kaya naflush na?
"Oh ano? Yan na ba ang lunch ko? Sakto! Gutom na ko e."
Umupo sya sa harap ko tapos inagaw yung tuperware na baon ko tapos walang ano anong kinain yun.
Waaaaaaaaah!!! Akin yun e! Wala na! Kinakain na nya!
Napakawalang modo talaga nitong lalaking to!
Kung alam ko lang na ganto ang mangyayare edi sana binuhusan ko ng hot sauce yang baon ko!
Sean: Sarap aah? Ikaw nagluto?
Sabi nya pa habang ngumunguya.
Inirapan ko lang sya.
Nakatingin naman lahat sakanya ang mga studyanteng malapit samin.
Nakita ko si Kaye.
Ako: Kaye! Over here!
Tawag ko.
Lumapit naman sya samin tapos tinignan ako na parang tinatanong kung bakit nandito yan?
Kaye: Oh well, you're with someone na pala. I'll wait na lang sa room, okay?
Tapos umalis na sya.
Tumayo ako para sundan sya pero may humawak sa kamay ko na agad ko namang hinigit kase.. kase..
parang na kuryente ako e.
Alam nyo yun?
At kelan pa sya naging si Electric Man?
Sean: You're not going anywhere. Sit down.
Madiin nyang sabi.
Para naman akong timang na sumunod na lang.
Naupo ako ng nakabusangot ang mukha.
Sean: Oh, bat ganyan ang mukha mo?
Tanong nya habang kamakain parin.
Sarap na sarap sya sa luto ni Mama.
Ugh! Akin dapat yan e!
Ako: Kinain mo ang lunch ko, pinigilan mo kong sundan ang bestfriend ko, tapos kaharap ko ngayon ang isang napakayabang na human aircon! Sabihin mo nga, sinong hindi maiinis dun?!
Tapos na syang kumain.
Ubos lahat ng laman nung tuperware ko.
Sean: Anong tinawag mo saken? Human what?!
Ako: Ang bingi mo rin e! Sabi ko HUMAN AIRCON!
Tapos nagulat pa ako ng tumawa sya.
Lahat tuloy napatingin sa kanya.
Ang lakas naman kase tumawa e!
Tsk! Pinagtitinginan tuloy kami.
Sean: Nakakahiya naman sayo babaeng pandak! HAHAHAHA!
ABA'T!!!
Ano daw?! Pandak?!!
Kapal ng mukha nitong mokong na to ah!
BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?