Pagpasok namin sa room, yun din ang usap usapan nila.
Gorabe! Artista ba yan? Nakakacurious, pramis.
Naupo na kami ni Kaye sa mga upuan namin.
Dumating na din ang teacher namin at kung anong kaechosan nanaman ang sinasabi.
Di naman ako nakikinig. Wala pa kase si Sean e. Papasok ba sya? Magaling na din naman sya ah?
Bat wala pa yun? Itetext ko na sana sya ng biglang dumating si Dale kaya sabay sabay kaming napalingon sa kanya.
Kasunod nya pala si Sean and whoooooaaaaaa.
Who's with him? May kasama syang girl at kung hindi ako nagkakamali, parang nakita ko na sya dati.
Yea, maganda sya. I have to say.
Ma'am: So, here they are. Mr. Hernandez and Mr. Park, you may take your seats and you Ms Lopez,
please stand beside me. Siguro naman kilala nyo na sya diba? Well, Ms Lopez is back in our school
and she plans to finish her last year here. So, Ms Lopez.. do you wanna say something?
Halos lahat kami naghihintay na magsalita sya.
Pero naguguluhan ako e. Bat kasama nya sina Sean at Dale? Close ba sila?
Nakaupo na pala si Sean sa tabi ko at hindi sya umiimik.
Seryoso din ang mukha nya.
"Uhm.. well.. Hi there guys. Yes, I'm totally back after 2 years I think.
And I have my reasons why. By the way... Chloe Lopez here. Thanks."
Oh my gosh.
Naalala ko na!
Chloe Lopez!
Bat ko ba sya nakalimutan?!
E sya yung nachichismis dati na girlfriend ni Dale e!
Deym! Napakamakakalimutin ko talaga!
Tinitigan ko sya.
Ang ganda parin nya, maputi, matangkad, makinis, mestisa, maganda ang buhok.
Shet! Total package na! Bigla tuloy akong naconscious sa sarili ko.
Ma'am: So, where do you wanna seat, Ms Lopez?
Tumingin naman sya sa paligid na parang may hinahanap.
Chloe: I wanna seat beside Kim.
Kim? Sinong Kim? May kaklase ba kaming Kim?
Tatanungin ko na sana si Sean kung sino si Kim ng magsalita ulit si Ma'am.
Ma'am: Okay, Ms Nunez, you may seat beside Mr. Hernandez.
Absent naman si Ms. Rodriguez e.
Ako: A-ako po Ma'am?
Tinuro ko pa ang sarili ko para sigurado.
Ma'am: Yes, you. Seat beside Mr. Hernandez.

BINABASA MO ANG
When Love Comes Your Way (On Going)
RomanceWhat will happen if you fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time?