CHAPTER TWO

166 7 0
                                    

CRISHA'S POV:

Ako: Ma, nandito na ho ako.

Tawag ko kay Mama ng makauwi na ako sa bahay galing school.

Mama: O kumusta ang araw mo anak?

Kumusta nga ba ang araw ko?

Sinira lang naman ng walang kwentang yun ang araw ko! >_<

Ako: Ah, ayos lang naman po.

Mama: O sya sige, maghanda ka na ng hapunan at may pag uusapan daw tayo mamaya pagdating ng Papa mo.

Ano naman kaya ang pag uusapan namin?

Pumasok na ko sa kwarto ko para magbihis.

Hmm.. hindi naman kami mayaman tulad ng mga kaklase ko dun sa school.

Hindi kami mayaman tulad nina Kaye. Oo mayaman sina Kaye, pero diba bestfriend ko sya?

Pano? Simple lang, kase hindi naman sya tulad ng mga rich kids na maarte at pili ang mga friends yung tipong mga kalevel nya lang yung pinapansin.

Hindi naman kami sobrang mahirap na sobra na talaga. Nakakapasok naman kami sa magagandang skwelahan e.

May business naman kase ang mga magulang ko pero hindi gaano malaki. Parang maliit na negosyo lang. 

Yung kinikita nila Papa dun ay sakto lang para saming dalawang magkapatid.

Yup! May Ate ako. Si Ate Monique. 4th year college na sya ngayon. Architecture yung course nya. 

Buti pa nga si Ate malapit ng makagraduate.

Haaay, gusto ko na din talaga mag college para makagraduate na din ako at makapagtrabaho na.

Close kami ni Ate. AS IN! Maliban kay Kaye, sya din ang nakakalam ng mga sikreto ko.

May boyfriend na din yun at alam nina Papa. Kaya hindi na kami masyado nakakapag bonding ni Ate e. Pero okay lang yun.

Naiintindihan ko naman sya lalo na ngayon graduating na sya kaya mas lalo syang magiging busy.

Sa totoo lang idol ko yan si Ate, kase kaya nyang pagsabayin ang pag aaral at lovelife..

Ang tataas pa nga ng mga grades e.

Sa parents ko naman, wala naman akong problema sa kanila. Mabait naman sila at maalaga.

The best nga sila e!

Kase kahit mahirap pag aralin kaming dalwa ni Ate e kinakaya nila.

Kaya ako, kahit sa grades ko na lang din bawiin lahat ng paghihirap nila para samin.

I'm doing my best para hindi sila madisappoint at para worth it din ang paghihirap nila para lang mapagtapos kami.

In short, mahal na mahal ko ang pamilya ko. ^__^

Ako: Dinner's served! Kainan naaa!

When Love Comes Your Way (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon