CHAPTER THIRTY NINE

14 1 0
                                        

CRISHA'S POV:

Dale: Are you okay? May masakit ba sayo?

Seryosong tanong ni Dale habang nakatingin sakin ng diretso.

Naiiyak iyak parin ako.

Ako: Meron.

Medyo mahinang sagot ko.

Dale: Saan?

Bakas ang pag aalala sa mukha nya.

Ako: Dito.

Sabay turo ko sa bandang dibdib ko.

Totoo naman yun.

Nasasaktan talaga ako lalo na't ayaw parin mawala sa isip ko ng mga nangyare kanina.

Bat ba nangyare yun? Pano nangyare yun?

Waaaah! Hindi ko alam! Andaming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung san ko hahanapin ang sagot. Ugh! >.<

Dale: Meron ba kong pwedeng gawin para mawala yan?

Ako: *sigh* I'm sorry Dale kung ikaw pa ang nautusan ko na maglayo sakin dun.

Dale: Crisha, kahit naman hindi mo sabihin yun, gagawin ko parin naman yun.

Ako: Hindi ko lang kase talaga alam kung anong gagawin ko kanina e.

Dale: Do you think someone planned everything? Coz it looks like it was.

Ako: Hindi ko alam. Wala naman akong alam na pwedeng gumawa sakin nun e.

Dale: Yung pagkaalis ng damit mo? Was it really an accident?

Hindi ako nakasagot agad.

Aksidente nga ba talaga?

Kung hindi, bat naman sasadyain ni Kai yun?

Okay naman kami ni Kai. Wala naman kaming problema e.

Kaibigan ko sya.

Ako: Alam ko namang hindi ni Kai sinasadya yun.

Dale: We never know. Malay mo---

Ako: Dale, wag mo naman sanang pagbintangan si Kai. Mabuti syang tao.Kaibigan ko sya at Pinsan mo sya diba?
Kaya kilala mo sya. Pati wala namang akong maisip na rason para sadyain nya yun.

Dale: Alright. I'm sorry. Maybe that was only an accident. Pero yung pagkakabuhos sayo ng paint, I'm sure someone did that on purpose.

Ako: Dale, can we just not talk about it muna?
Ayoko munang mag isip ng kung anu ano.
Pagod na ako.

Dale: Okay. Want me to take you home?

Ako: Wag! Ayoko munang umuwi. For sure magtatanong lang din sila. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko.

Dale: So, where do you wanna go?

Ako: Kahit san.

Dale: Then, let's go somewhere else.

Ako: Saan?

Dale: *Smiles* Just wait and see.

Then the next thing I knew, sumkay kami ng taxi at bumaba sa tapat ng isang bahay na doble ang laki sa bahay namin. Grabe! Muntik na akong mapanganga.

Ako: N-nasan tayo?

Dale: My home. C'mon. Ipapakilala kita kay Mom.

Ano daw? Home? Edi bahay nya to?

Edi wow! Hotel ba ang bahay nila?

At teka, ano pa yun?

IPAPAKILALA NYA KO SA MOM NYA?!

When Love Comes Your Way (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon