Chapter 34

246 2 0
                                    

Chapter 34 The confession

 

Summer na ngayon at kararating lang namin galing sa bakasyon. Nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Laiya, Batangas. Mahigit isang linggo din kami doon. Masaya, pero yung feeling na paraang may kulang.

Lagi kong iniisip kung ano nga ba ang kulang na ‘yun? Hindi ba dapat maging contented ako sa kung anong meron ako kasama ang buong pamilya ko? Well, given na, na wala si daddy pero kasama ko naman ang mga tito, tita at ang lahat ng pinsan ko. Sa December nga ay magpapakasal na si kuya Eljay na pinakapanganay sa amin. Dapat maging masaya ako doon.

Pagkatapos nun ay natapos ko naman ang term ng maayo kahit na may bumabagabag sa akin, lahat ng exams ay naipasa ko at mataas naman ang nakuha kong mga grades. Si Jase medyo gaya parin naman ng dati, pero nilalayuan ko na siya, dahil gusto kong makakilala siya ng babaeng mas higit pa sa akin.

Ang mga kaibigan ko naman ay masaya sa naging desisyon ko. At wala namang nakaalam sa kanila tungkol sa nangyari noong nagpunta akong mag-isa sa bar. Si Drake? Siguro tinigilan na niya talaga ako. Hindi ba dapat maging masaya ako doon dahil yun naman ang gusto kong mangyari noon palang? Na layuan at tigilan na niya ako? Pero bakit parang salungat na ako sa mga nangyayari? Parang hinahanap-hanap ko ang presensya niya. Bakit ganun? Kung kailan wala na sa’yo ang isang tao tsaka mo palang marerealize ang halaga niya sa’yo.

Naging malaking parte rin naman sa akin si Drake, parang mahirap lang isipin na yung mga sinasabi niya sa akin noon ay wala na ngayon. Napakabilis naman yata? Siguro nabalitaan niya yung nangyari nung Valentine’s Day at siguro ang alam niya ay sinagot ko si Jase ng oo. He should have asked me. Pero kung maniniwala siya sa mga estudyante na nagkakalat na kami na nga ni Jase ay wala na akong magagawa. Kung ipagpapatuloy niya ang nkaugalian niyang maging playboy ay mas lalong wala na arin akong magagawa!

“Mommy, I’ll be on my room lang po. I’ll just rest. Kakain nalang po ako kapag nagutom.” Ngiti ko kay mommy nang naibaba ko na mula sa van ang maleta ko. Ang ilan naman ay nakuha na ni Ate Lisa. Hindi ko na ito inakyat sa kwarto ko dahil lalabhan naman ang mga yun ng isa pang bagong katulong.

“Okay, anak, rest well, I know we’re all tired of the trip. I’ll be on my office, tatapusin ko lang ang mga naiwan kong work.” Sabi naman ni mommy.

Si kuya ay agad na dumiretso sa kwarto niya. Maliligo daw at magbibihis dahil may usapan sila ngayon ni Ate Alex. Hindi kasi namin nakasama si ate Alex sa Family vacation dahil may duty ito sa ospital.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko na hinalughog ko pa sa dala kong backpack.

Si Faith, tumatawag. Hindi nga pala ako nakapagparamdam sa kanila noong mga nakaraang linggo.

“Hello, Faith?” utas ko agad nang sinagot ang tawag niya.

“Girl!” tumili siya nang marinig ang boses ko. Bahagya ko pang nailayo ang phone sa tenga ko.

“Nasaan ka? Ikaw ha? Hindi mo kami binabalitaan sa ganap ng life mo!”

“Nandito ako sa bahay, kararating lang. Sorry, nagbakasyon kasi kaya nakalimutan ko lang magtext.”

“Mabuti naman nakauwi na kayo, girl, nandito kami sa Sweet Haven, ikaw nalang wala, so you better be here!”

“Ha? Pagod kasi ako Faith, bawi nalang ako sa inyo sa susunod na araw. My treat.” Sabi ko habang humihiga sa kama ko.

“No!!!” sumigaw siya. “Pumunta ka na dito, girl, hindi pwedeng wala ka! Namimiss ka na kaya namin!” pahayag niya.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon