Chapter 59 Your secret's safe with me
Hindi ko alam na kasama pala ni Drake si Kuya Isaac at ate Alexandria sa pagpunta dito sa Sanford. Nagpaalam narin si Faith habang kami ni Drake ay patungo sa malawak na carpark ng buong Sanford Country Club. I saw my brother and her girlfriend waiting for us. Magkaakbay silang nakasandal sa hindi pamilyar na itim na SUV. Sabay kaming naglalakad ni Drake habang bitbit niya ang backpack ko at ako ay hawak ang mabangong bouquet na bigay ni Drake. Mabuti pala at nagpalit ako kanina para hindi niya maamoy ang cinnamon na kumapit sa uniform at apron ko.
Nagkayakapan kami agad ni kuya ng mahigpit nang makalapit ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. "I missed you, baby girl. But, seriously, why do you have to cut your hair this short?" aniya nang kumalas na ako.
Ngumiti ako. "I missed you, too kuya. Well, I guess i have to do it." Bumeso din ako kay ate Alex.
"Bagay mo, Rain. Mas lalo kang bumata." Puri ni ate Alex na sobrang ganda parin.
"Thank you, ate." Bumaling ako sa SUV na nasa likod nila at sinandalan nila kuya kanina. "New car, kuya?"
Ngumisi siya at tinignan si Drake na nasa tabi ko. "Drake's new car." Hayag niya.
Sumulyap ako sa kay Drake na cool lang nakapamulsa. Naalala ko, naaksidente nga pala siya, marahil ay nasira na ang pinakamamahal niyang 86 na asul na sobrang paborito ko. "Uh, sorry about-"
"Rain." Pigil niya. "Let's go, dude?" baling niya kay kuya.
Agad na pinagbuksan ako ni Drake sa back seat ng SUV. Si Ate alex ay pinagbuksan ni kuya sa front seat at saka siya umikot sa drvier's seat. Si Drake ay tumabi sa akin sa back seat. My kuya's gonna drive. I know, hindi siguro kaya pang magdrive ni Drake dahil sa naging aksidente noong nakaraan, and ayoko munang magtanong tungkol doon.
Binanggit ko kay kuya na dumaan muna kami ng apartment para kunin ang mga gamit ko at sunduin ang mga kaibigan ko.
"Kay Manong Rudy na sila, baby girl. Siya na rin kukuha ng mga gamit mo." Aniya at nagdrive na paexit ng Baguio City.
Walang nagsasalita sa amin ni Drake habang nilagay ko sa pinakalikod ang binigay niya kanina.
Humalakhak bigla si kuya. "Awkward?" utas niya kaya sinapak siyang marahan ni ate Alex.
Nagkatinginan kami ni Drake at agad uminit ang pisngi ko. I want us to talk alone kaya ayaw ko munang magsalita. Nakikita kong medyo may sakit pa sa mga mata niya. Kaya hindi ko rin alam kung paano.
"You want to sleep? You may." Sabi niya. Tumango ako at may kinuha siyang pillow sa likod. Nilagay niya 'yun sa lap niya. At narinig kong tumikhim si kuya. Pero parang naestatwa si Drake nang pinatong ko na ang ulo ko ng patagilid sa unan sa lap niya.
Pumikit na ako. Hindi naman talaga ako matutulog. Gusto ko lang munang mag-isip hanggang sa makarating na kami sa Burntsville. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko at mas lalo akong napapikit doon. Nagustuhan kaya niya ang maiksi kong buhok? It used to be so long for years na halos hanggang bewang ko na.
Niyakap niya ako patagilid nang naramdaman kong binabaybay na namin ang pazigzag na daan. Bumangon na ako kahit hindi pa naman ako nakakapagisip ng maayos.
"Uh, medyo nangawit lang." medyo awkward na sabi ko. Tumango siya at saka ako inakbayan. Tahimik parin siya. Ganun din ako. Sumandal ako sa balikat niya na mas naging komportable naman ako. At hindi ko namalayang nakatulog ako.
The next thing I know ay marahan na niyang tinapik ang braso ko at pinipisil niya ang isang kamay ko para magising. Nagising akong binabaybay na namin ang Saintfield Estates. Kakalagpas lang namin sa malawak na Main Gate nito.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...