Chapter 9

559 3 0
                                    

Chapter 9- Lahat ay sana.

“Marcus is dead.”

Umalingawngaw ang sinabing ito ni kuya sa tenga ko. Marahan niya itong sinabi pero, nanikip ang dibdib ko.

“No, kuya.” Humalakhak ako para pigilan ang mga luha ko. “This isn’t funny. You got to be kidding me!”

Umiling siya. “I’m afraid, I’m not, baby girl.”

“No! No! We just talked over the phone! Is this some kind of prank, kuya? Please, tigilan mo ako.” Hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa kuya ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

“Yes, you talked over the phone. And he’s on his way home from Baguio, right?” mahinahon parin siya, kahit na napagtataasan ko na siya ng boses.

“How did you know?” tanong kong nakakunot ang noo.

“He met an accident. Nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus. Only few were alive. Isa siya sa----“

“No kuya! Stop this nonsense. Alam kong sinasabi mo lang yan para hindi matuloy ang usapan namin ni Marcus! Why are you always bitter about him kuya?”

“Sophia Rain! Sa tingin mo ba lolokohin kita ng ganito? Sa tingin mo ba madali lang sabihin to sa’yo ngayon?”

Nangatog ang tuhod ko sa sinabi ni kuya. I know he wasn’t telling me a lie this time. He never lied. Bumagsak na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Umiiling ako, dahil ayaw kong maniwala. Magkikita pa kami ni Marcus ngayon. Hindi pwedeng mawala siya ng ganun ganun lang. No!

“This can’t be happening, kuya! Sabihin mo nalang sa akin na binabangungot ako. No! I can’t lose Marcus!” napaluhod na ako dahil hindi ko na kaya. Sana panaginip ito. Sana isang masamang panaginip nalang.

“Baby girl, I’m sorry.” Niyakap ako ni kuya habang hinahaplos ang likod ko. “It’s all over the news. There are only 9 survivors and Marcus…. didn’t make it. I’m sorry, baby girl.”

“Noooo! Kuya please sabihin mo sa akin, hindi totoo yan. Please! Hindi ko kaya, kuya. Hindi ko kaya!”

“Shhh! We’ll go to the hospital now.” Inalalayan ako ni kuya na tumayo. “His body is still there.”

Para akong binuhusan ng maraming yelo sa sinabi ni kuya. I can’t believe it. Hindi ako maniniwala hanggang hindi ko siya nakikita pero, natatakot ako. Natatakot ako pag nakita ko na wala na siyang buhay. Pagtayo ko, hindi ko kinaya. Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Hindi ko talaga kaya. Then my vision went black.

Sana masamang panaginip nalang ang lahat ng ito. Sana nagbibiro nalang si kuya. Sana magkasama kami ngayong kumakain kasama si mama. Ngunit lahat ng sana ko, ay hindi na pwedeng mangyari. Dahil totoo ang lahat.

“Baby girl, ihahatid kita sa bahay nila. Nandun na ‘siya’.” Sabi ni kuya nang nagising ako. Nasa tabi ko siya. I guess he’s there the whole time na wala akong malay.

Sana nung nawalan ako ng malay, kasama na rin ng paglimot ko sa lahat ng nangyari ngayong araw.

“Kuya!” niyakap ko si kuya. Siya at si mommy ang paghuhugutan ko ng lakas ngayon. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Kahit alam kong, sa bawat pagluha ko ay hindi na siya babalik. Hindi na maibabalik ang kanyang buhay.

Nang marating namin ang harap ng bahay nila. Doon ko lahat nakumpirma ang ayaw kong itatak sa puso at isip ko. Ang katotohanang hindi ko matatanggap.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon