Chapter 12

560 3 0
                                    

Chapter 12 – Mahigpit!

Monday nanaman. Maraming nangyari last week, na unang linggo ng pagiging 2nd year namin. Di kami magkandaugaga sa mga biglaang mga requirements sa bawat subjects. Pero ngayong Monday, may kakaiba. Parang ang ingay ng mga estudyanteng nakatambay sa hallway ng building namin. Well, maingay naman talaga sila, kaso ngayon mas maingay. Ipinagkibit balikat ko nalang ito, habang naglalakad papuntang wash room. Kasama ko si Faith at Rose. Si Jamy at Van, baka nasa pavilion at nakatambay. Isang oras pa kasi ang vacant namin bago ang next class. Madalas kami doon tumambay dahil mahangin at presko. Iilan lang din ang pumupunta doong estudyante kasi madalas ay sa hallway at sa covered court sila nagpapalipas ng oras.

May nadatnan kaming tatlong babae sa washroom. Yung isa, umiiyak yata, kaya tinatahan nung dalawa. Anong nangyari?

"Naku, Nathalie , sinabi ko naman kasi sa'yo, marami siyang babae. Last week pa nga lang, paiba iba yung kasama niyang babae." Sabi nung isa.

"A-akala ko kasi seseryosohin niya a-ako." Tinignan ko mula sa mirror yung Nathalie na umiiyak. Nag smudge na yung mascara at eyeliner niya. Maganda siya. Matangkad at maputi. Pero halata mong mataray kahit umiiyak. "Humanda yung babaeng ipinagpalit niya sa akin!" sabi niya sabay taas ng kilay kahit umiiyak parin. Maratay nga! Inayos niya yung sarili niya at nagmartsa palabas ng wash room.

Nagkatinginan naman kami ni Faith sa mirror. Binigyan ko siya ng "Ewan Ko!" look. At sino naman daw yung tinutukoy nilang papalit palit ng babae? Naku, halos lahat naman ng lalaki dito sa college namin, babaero. Halata ko lang. Halos lahat kasi ng nadadaanan ko sa corridors, may binobolang babae. Ganito pala talaga ang college life.

"Rain, try mo gamitin to." Inabot sa akin ni Rose ang concealer. "Nangingitim pa rin kasi yung mga eyebags mo."

"Oo nga, girl. Hindi ka parin ba nakakatulog ng maayos?" halatang concerned talaga sa akin si Faith.

Sa totoo lang, sabi ko nga may mga gabi na nakakatulog akong umiiyak, kaya ganito, yung eyebags ko, ilang kilo na yata.

Umiling ako at binalik kay Rose yung concealer. Hindi kasi ako mahilig sa mga cosmetics. Lose powder lang, pwede na sa kin. Kahit palagi akong sinasabihan last sem sa subject naming Personality Development na dapat laging naka make-up. Hindi ko parin ginagawa. Samantalang yung mga classmates ko doon, kulang nalang maging clown sa dami ng kulay sa mukha.

Tahimik lang ako madalas, kahit madaldal ang mga kaibigan ko lalo na si Faith, hindi nauubusan ng bungisngis. Naiintindihan naman nila ako, eh.

"Sinukat mo na ba ang timbang mo, Rain?" tanong ni Jamy sa akin nang nakatambay na kami sa pavilion.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Kasi, parang sampung kilo na yata ang nawala mo, sobrang payat mo na kasi." Utas niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Siguro dapat hindi tayo dito tumatambay pag vacant. Dapat dun tayo sa café sa labas ng school. Masarap daw mga pagkain 'dun." Sabi naman ni Faith. Matakaw talaga kasi siya, kahit hindi naman mataba.

"Good idea." Sabi naman ni Van.

Malaki na nga ang pinayat ko. Kahit anong pilit kong kumain ng marami, hindi talaga tinatanggap ng katawan ko. Madalas parin akong walang gana. Wala naman akong anorexia sabi ng doctor nung minsan pinacheck-up ako ni mommy dahil nga sa madalas ay wala akong gana at sa laki ng ipinayat ko.

Alam naman nating lahat kung ano ang dahilan eh. Dahil kahit anong pilit na limutin ko siya paunti-unti, ay nagluluksa parin ako. Kahit wala ng bumabanggit ng pangalan niya, nandito parin siya sa puso ko. Hanggang kailan, Marcus? Hanggang kailan ako magluluksa sa pagkawala mo? Hanggang kailan ako mangungulila?

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon