Chapter 45

56 1 0
                                    

Chapter 45 Binuhat!

I got my own car. It’s one hot black Hyundai Elantra. Gusto kasi ni daddy lahat ng sasakyan namin ay kulay itim. It looks luxurious. Dad’s been promoted as General Manager of the Hotel he’s been working for more than 10 years in Paris. Mom’s a stockholder in a Hotel chains now. Kuya Isaac’s doing great in handling his high end club. Last time na bumisita ako doon kasama si Faith at Darryl ay napakaraming tao. Patok na patok ang club niya.

Well, Drake? Susunduin niya daw ako ngayon para sa first day of school kahit pa pwede namang ako nalang dahil alam ko naman na magdrive at I have my own car. He wanted to fetch me kasi matagal kaming hindi nagkita.

Kumakain na ako ng breakfast ko mag-isa. I’m used to it. Si mommy nasa Baguio to check on her investments at si kuya natutulog pa dahil umaga na nakauwi.

“Good morning.” May biglang humalik sa buhok ko. Naamoy ko agad ang namiss kong amoy. Napangiti ako doon.

“Drake, you just arrived?” tanong ko agad. May inabot siyang bouquet ng lavender roses ulit. Nabuo na agad ang araw ko!

“Kanina pa, dumiretso lang ako sa bahay to freshen up. May I join you?” Aniya at umupo na sa tabi ko.

Nagpahanda agad ako ng magagamit sa pagkain ni Drake.

“How’s your business?” tanong ko pagkatapos uminom ng hot choco.

Ngumuya muna siya bago sumagot. “Doing fine so far. Sinabi ko na kay Dad na hindi muna ako makakatulong.”

Tumango ako. “You look tired travelling from Manila to here then back.” Utas ko. Nakita kong sarap na sarap siya sa kinakain niya. “Bakit kasi hindi mo nalang ituloy yung studies mo sa Ateneo ulit?” pang-aasar ko.

Tumigil siya sa pagkain. Tumingin siya sa akin ng nakasimangot at nakataas ang isang kilay. Kung pagod na talaga siya sa pagpapabalik-balik sa kanila, matagal na siyang nagtransfer ulit sa Ateneo de Manila.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahil nakita ko ang pagkaasar niya. He’s so gwapo!

Tinuon niya ulit ang atensyon sa kinakain niya ng hindi ako pinapansin. Parang natuwa pa ako sa pagmamaktol niya. Hanggang sa papunta na kami sa school ay hindi niya parin ako pinapansin. Tahimik lang siya.

“Drake, huy! Magsalita ka naman?” lambing ko habang nagdadrive siya.

Sumulyap lang siya saglit. “What do you expect me to say, Rain?” iritado siya.

Ngumiti pa ulit ako sa pagkairita niya. This is bad! “Sorry na? I was just concerned. We can always see each other naman after we graduate, besides less than what? 10 months? Mabilis nalang yun.” Hayag ko. Nakita ko ang pagsimangot pa niya lalo.

“We’re not going to argue with this, are we?” seryosong tanong niya.

Napabuntong hininga nalang ako doon. Hindi ko gustong magkaroon kami ng pag-aawayan dahil dito. “No, Drake, parang kasi sobra yung pagod mo. You drive for couple of hours and it’s not that easy. Thinking na may mga inaasikaso ka pang trabaho sa inyo.”

“It’s my choice, Rain. I want to study here and I want to prove myself to you. Kaya nga nagpaalam na ako kay Dad.” Rinig ko parin ang iritasyon sa boses niya.

“Hindi mo naman kailangan-“

“Rain, listen…” pinutol niya ang sasabihin ko at lumingon siya sa akin habang naghihintay ng Go signal sa traffic. “Babalik at babalik ako because my heart belongs here and you are here as well. So stop pushing me away.”

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon