Chapter 22 My birthdate.
"Hi, Riri." Bati ni Jase at saka bumeso sa akin.
"Oh my goodness! Boyfriend mo, Rain?" nanlalaking mata na tanong ni Jamy.
Katext ko kasi si Jase, sabi niya pupuntahan niya raw kami dito sa Café at magmemeryenda din siya.
"Uh, hindi Jamy. By the way girls, this is Xavier Jase, he's from Australia, pero dito na siya mag-aaral. Magkababata kami." Ngiti ko sa kanilang lahat.
"Jase, this is Jamy, Van, Faith and Rose." Pagpapakilala ko.
"Hi ladies." Bati naman ni Jase sa kanila. "Pleased to meet you." Dagdag niya at umupo sa tabi ko.
Nagpacute naman agad si Jamy dahil alam niyang hindi ko boyfriend itong si Jase.
"So Jase it is. Nice to meet you." Pagpapacute niya habang iniipit ang takas na buhok sa likod ng tenga niya.
Ngumiti si Jase na nagpatili ng konti kay Jamy. "Jamy, OA ka na." basag naman ni Van at saka siya siniko.
"So did you guys order food already?"
"Marunong ka namang magtagalog, Jase, magtagalog ka nalang." Bulong ko sakanya.
Nagtatagalog naman siya, kaya lang may accent na nga. Sa sampung taon ba naman niya sa Melbourne.
Nagkwentuhan sila ng mga kaibigan kong tuwang tuwa sa kanya. Sino ba namang hindi matutuwa kung ganitong nakakahilo sa kagwapuhan ang kaharap at kausap mo diba?
Nakwento niyang GE subjects lang ang nakuha niya sa college subjects niya sa University of Melbourne at naging part scholar siya dahil parte siya ng Elite athletes nito. At ngayon, international student siya dito sa SU sa kursong BS HRM. Tinulungan siya ni kuya Isaac sa Dean namin na kung pwede ay parehas kami ng subjects na maeenroll ngayong sem.
Lima ang subjects namin ngayon. Isang GE subject, isang laboratory subject na may 5 units, dalawang core HRM subjects na may tig tatlong units at ang isang major subject na may 6 units. Ang Business Planning. Makakasama daw namin dito ang ilang Business Ad students na nag advance ng subjects nila. Pero lahat ng subjects ko ay makakaclassmate ko si Jase. Hindi naman kami pare-pareho ng schedules ng mga kaibigan ko. Sa Business Planning lang kami magkakaclassmate.
"I gotta go, ladies. Cheer for the team later, ayt?" aniya nang makatayo na dahil ilang minuto na siyang nagpapaalam ay hindi parin nakakakaalis. "Bye, Riri, and by the way, can you do me just a little favor?"
"Sure, ano yun?" tanong ko habang hinahatid siya sa glass door ng Café.
"Can you assist me on my stuffs for the game? Gatorade, towel and the like, please?"
Tumawa ako. Akala ko naman kung ano. "Sige na, kahit kailan talaga, palagi mo akong inuuto. Sige na, punta ka na sa court."
"Thanks, bye." Aniya at saka ako hinalikan sa pisngi. Nakagawian na daw kasi niya ang paghalik o pagbeso sa mga malalapit na kaibigan niya kaya ganun din ang ginagawa niya sa akin.
Pagkatapos naman naming maglunch ng mga kaibigan ko sa isang fast food ay nagtext na si Jase sa akin.
Jase: Where you at? The game is will be starting in 20 minutes.
Hindi pa ako nakakapagreply nang magtext ulit siya.
Jase: I need you here, Riri.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...