Chapter 15 - Kumikirot
"Well, I can be your escort." Biglang sumingit sa usapan si Drake. Kaya nasamid ako.
"Oh, anak si Drake nalang." Sabi ni mommy.
"What? Mommy, that can't be. He has a girlfriend." Pahayag ko.
Oh ano ka ngayon? Hindi pwede na ikaw ang escort ko. Kung bakit pa kasi wala akong kilala na single na lalaki. Ang mga kasama kong member ng AOC at CCU ay lahat may girlfriend. Wala din naman akong ka close na classmate ko sa kahit na anong subject.
"I don't have one." Pagsisinungaling niya sabay tingin sa akin ng nakakaloko.
"Eh sino yung mga nakaka-"
"Anak, why not Drake? Wala naman pala siyang girlfriend. And besides, mas mabuti nang siya ang escort mo, at least kilala na siya ng daddy mo."
"Ah, Mommy, hindi naman—" po kami close.
"You should accept his offer anak. He'll be good for you as your escort." May marka ng pagkafinality ang desisyon ni mommy sa sinabi niya.
Tumatango tango si Drake sa gilid habang si kuya naman ay nakataas lang ang kilay na humihigop ng kape. Kuya, baka gusto mo akong tulungan dito? Hello, ayaw mo kay Drake, at ayaw ko din. Help?
"So, yun na. Thank you, Drake." Sabi ni mommy.
Pwede ko pa sigurong baguhin 'yun. Ayokong masira yung debut ko, kaya hahanap ako ng iba. Maiintindihan naman siguro ni mommy kung makakahanap ako within next week, though hindi ko muna ipapaalam.
"And, by the way, our family wants to see you perform." Baling sa kin ni mommy.
"Perform what po, mommy?" tanong ko.
"They want to see you sing and dance. They haven't seen you perform yet, puro videos lang. So I guess your debut party will be great if you'll prepare two numbers for them. One is a song and one is a dance."
"That's OK with me po."
"And, and, and, anak, why don't you dance yung napanood ko sa TV. Sa So You Think You Can Dance. It was a contemporary dance, and I believe you can do better than that, nak."
Napanood ko yata 'yun last June? Ung Semis. Si Matt at Katie. Oh geeez!
"It's a partner contemporary dance, mom, baka pwedeng sumayaw nalang ako ng Hiphop kasama ang grupo ni kuya?"
"No, baby girl, we'll perform for you. Hindi pwedeng kasali ka dun." Oh, okay, lahat ng suggestions ko dito walang say. Hahayaan ko nalang silang magdesisyon.
"I've seen you perform contemporary anak, and I'll be happy if you dance that. You're perfect contempo dancer. It's a couple dance so why not dance with your escort then. Drake?" laglag nanaman ang panga ko sa mga pahayag ni mommy para sa debut ko. This is too much.
"I can do that, tita." Pagyayabang naman ni Drake.
"Well, I know a Dance Instructor who can teach you two. So ok na tayo? Rain? Phillien? Drake?"
Alam na alam ko na ngayon kung bakit nandito si Drake. Talagang, gusto ni mommy na maging malaking parte siya ng debut ko. Napapailing nalang ako sa kawalan.
I should do something. Pero paano? Wala akong maisip.
Inihayag din ni mommy ang iba sa mga plans para sa birthday ko. It's a formal dinner debut party. Siya na daw ang bahala sa lahat dahil may makakatulong siyang organizer nito. Magprapractice daw kami ni Drake ng contemporary dance namin two weeks before my birthday. At ang isa pang nakakagulat, sa ilang buwan na namin dito sa bago naming bahay, ngayon ko lang nalaman na may dance studio pala sa ikatlong palapag nito. Dahil alam ni mommy na kailangan namin ito ni kuya dahil parehas kaming passion ang pagsasayaw.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...