Chapter 16 – Let's date
Inabisuhan ko ang mga kaibigan ko na magiging parte ng debut ko sa susunod na buwan. Karamihan naman ay mga kasama ko sa ACC at CCU at iba ko pang medyo nakakasalamuha na mga classmates ko. Pati si Lexis ay pupunta din. Buti nalang daw at wala siyang pasok sa araw na yun.
Ipinaalam ko sa kanila para mapaghandaan din nila ang mga susuotin nila na mga gowns at suits. Kung bakit pa kasi napili ni mommy at daddy na formal ang debut ko. Baka mapagastos lang ang mga magiging bisita ko.
Magbibigay naman ako ng mga invitation cards ko, two weeks before my birthday. Sa ngayon kasi, ginagawa palang yun. Simple lang daw ang magiging invitation cards ko, dahil puro surprise daw ang lahat ng mangyayari sa mismong programa. Sky blue ang napili kong theme. Paborito kong kulay yun. Pangalawa lang ang lilac.
Naging busy naman ako sa sumunod na tatlong linggo dahil sa mga requirements sa school at dahil na rin sa Midterm exams. Hindi ko namamalayan na pagkatapos ng madugong tatlong linggo ay debut ko na pala. Nagulat nalang ako nang Monday pagkatapos ng exam week ay may ibinigay na kahon si mommy sa akin.
Binuksan ko at bumulaga sa akin ang aking mga invitation cards. Simpleng invitation cards na may mga shiny sky blue na detalye. Nakalagay din doon ang mga pangalan ng mga dadalo sa debut ko. Nakapaloob sa card ang mga pangalan lamang ng 18 candles at 18 roses, ang venue na kung saan nagulat ako, dahil gaganapin ito sa kaisa-isang 4-star hotel dito sa probinsiya, alas singko naman ang oras. At nakaemphasize din na dapat formal ang attire.
Dahil sa naging busy ako, hindi ko nagawan ng paraan ang mapalitan si Drake na escort ko.
"Thanks mom. I love you." Sabay yakap ko kay mommy para sa mga invitation cards.
Nilagay ko yung kahon sa backseat ng kotse ni kuya. Kinuha ko nalang muna ung mga cards na alam kong maibibigay ko ngayon at inilagay sa sling bag ko.
Una kong binigyan ang apat na malalapit kong kaibigan. Si Faith, Jamy, Rose at Van. Mas excited pa sila sa akin actually.
"Ohh, kasali pala si Drake sa 18 roses mo?" tanong ni Jamy. Tumango lang ako.
"Nasa huli yung pangalan niya, ibig sabihin siya ang escort mo?" tanong naman ni Faith, habang nanliliit ang mga mata niya.
Nagkibit balikat ako. Kaya hinigit niya ako sa labas ng classroom.
"Bakit siya? I mean, di naman kayo close girl." Pabulong na tanong niya.
"Ganito kasi yan...." Suminghap muna ako bago ko itinuloy. "Naalala mo nung hinatid niya ako pauwi sa bahay? Ayun, nagpaplano pala si mommy tungkol sa debut party ko na magaganap. Wala akong escort, kasi si kuya, kasama daw niya yung girlfriend niya. Nasaktong nandun si Drake, nagpresinta siya. Gusto naman ni mommy. Hindi ako makaangal. No choice ako, Faith."
"Ehdi sana naghanap ka ng iba, girl. Alam naman natin na playboy 'yun."
"I was supposed to do that, Faith. Naging busy lang tayo, kaya nawala sa isip ko. Nagulat nalang ako, binigay na sakin yan ni mommy kanina."
"Wala na nga tayong magagawa. Anyways, kailangan ko na tong paghandaan, girl. Im gonna bring Darryl." Aniya sabay kindat at tapik sa balikat ko.
Naibigay ko na ang halos kalahati ng mga cards. Kaunti lang talaga kasi ang inimbita ko. More or less nasa 100 ang dadalo kasama na ang mga relatives at close family friends, ang ilang CCU at AOC members at iilang close ko noong high school.
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa Café para daw sa matataas na nakuha namin sa exams. Maingay nanaman na nagkakachikahan si Jamy at Rose. Habang si Van ay maya't mayang nagkokomento lang. Ako, tahimik na nakikinig at si Faith, nakikitawa at nakikihampas.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
Literatura KobiecaHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...