Chapter 11

564 3 0
                                    

Chapter 11- The Visitor

"A-ah, sorry, akala ko si kuya." Sabi ko habang nilalapag ang hinanda kong meryenda sana namin ni kuya sa mesa sa harap niya. Pinagmamasdan lang niya ako.

Awkward. Kaya imbes na umupo ako, aalis nalang ako at magmukmok sa kwarto ko habang hinihintay si mommy at daddy.

"Hi!" sabi niya bago pa ako makaalis sa harap niya. "My manners. I'm Drake." Naglahad siya ng kamay. Maangas ang mukha niya.

Bakit kaya may mga taong sa unang kita mo palang, naangasan ka na? Hate at first sight! May ganun eh. Pero since mabait ako, tinanggap ko ang paglahad niya ng palad niya.

"Rain, po." Sabi ko. Magalang din ako kahit papaano. I knew he's years older than me.

Humalakhak siya. One evil laugh. Maangas at may kumpyansa sa sariling halakhak. Kaya ang nakakunot kong noo kanina ay mas lalo pang kumunot.

"Maka-'po' ka naman. I'm only 19." Paki ko kung 19 ka lang? Mas matanda ka parin. Tawa pa! Buwiset! Inirapan ko na lang.

"Ganyan ka ba sa mga bisita niyo? Masungit?" Hindi. Sa'yo lang! Sabi ko sa loob loob ko. Hindi ko siya kinakausap.

Bakit ba may dalang bisita si kuya na ganito?

"Magmeryenda ka nalang po." Sabi ko. At aambang aalis na sana pero nagsalita ulit siya.

"Iiwan mo ang bisita ditong mag-isa? Rude!"

Alright, sige na, hindi naman ako pinalaking bastos. Kaya umupo ako sa harapan niya ng tahimik at nakataas ang kilay. Wag mo akong paandaran dahil wala ako sa mood. Nasaan na ba kasi sila?

Inumpisahan niyang kainin ang cake sa harap niya.

"Sarap, ah. Ikaw nagbake?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Come on, you're really killing the conversation. Baka gusto mo akong interviewhin?" Nakataas ang kilay niya. Kasama ang pagtaas ng self-confidence niya. Angas!

Hindi naman ako interesado kaya bakit ko siya iinterviewhin.

"Okay, since ayaw mo namang magsalita..." basag niya pagkatapos ng ilang sandaling hindi ako nagsasalita. "Ako nalang. I'm Drake Riley Sia, from Makati City. Matagal na kaming magkakilala ng kuya mo. We've met sa Hiphop Competition sa Baguio nung nanalo sila, at runner-up ang grupo ko. Nagkita ulit kami sa Hiphop International sa Maynila. Tapos, kanina lang ulit sa Baguio. We're good friends."

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Eh, taga Metro Manila naman pala siya.

Humalukipkip siya sa at sumandal sa likod ng upuan. "Sungit talaga. Well, dito na ako mag-aaral." 

Muntik ko nang maibuga ang choco shake na iniinom ko. Seriously? Dito? Sa dinami-dami ng magagandang eskwelahan sa Maynila, dito niya pa napiling mag-aral?

Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

"Sa SU ako,2nd year Business Ad, nagtransfer ako dito from Ateneo De Manila University." Wow! Expensive School. Sana di nalang nagtransfer.

"Bakit ka nagtransfer?" taas kilay kong tanong ulit.

Hindi siya nakasagot agad. Tumaas pa ulit ang kilay ko habang naghihintay ng isasagot niya. Sakto naman ang pagdating ni kuya.

"Dude, magpalit ka muna." Sabi ni kuya habang inaabot ang set ng jersey niya kay .. ano nga ang pangalan niya? Dave?

"Oh, magkakilala na kayo ni Drake?" tanong sa akin ni kuya. Drake pala.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon