Chapter 18- Make you stay.
I have fallen, but now I stood up and I will try to take a better road in life.
Matapos ang father and daughter dance ay ang 18 roses ko. Nagsimula kay kuya na kagat kagat pa ang long-stemmed red rose sa kanyang labi. Kinuha ko ito habang tumatawa at nilagay ang isang kamay ko sa balikat niya.
"Happy birthday, baby girl! Masaya akong nakikita kang tumatawa at ngumingiti ulit. Nga pala..." May inginuso siya sa mga bisita ko kaya sinundan ko ng tingin."That's your ate Alex."
Napatingin ako sa inginunguso niya. "Sino diyan kuya?" hindi ko pa kasi nakikilala si ate Alex.
"There, the one who's wearing fuschia." Nakita ko agad ang isang mala diyosa na babaeng maputi na naka fuschia na tube gown na nakangiting nakatingin sa amin. Napakaganda niya. May taste talaga itong si kuya. Napakaganda niya talaga at mukhang mabait at di makabasag pinggan.
"Oh my gosh, kuya, kelan pa? She's too pretty. Talaga! Ang ganda niya." Tuwang tuwa ako kaya niyakap ko pa si kuya, dahil sa alam kong matagal na siyang nililigawan ni kuya. And after all those years, sila na.
"Just today. Kaya triple triple ang kasiyahan ko ngayon, baby girl!" nakita ko ang saya sa mga mata ni kuya.
"Kuya, congratulations! Happy ako for the both of you." Sabi ko kay kuya at saka ko siya kinindatan. Pinasa naman ni kuya ang kamay ko kay kuya Rexell na siyang pinakamatandang pinsan ko. Hindi naman nauubusan ng hirit ang mga kuya ko. Si Rexell, Eljay, Julius at Rusell. Hanggang sa makarating kay kuya Raphaell na siyang sinusundan ko ng edad.
"Your escort. He looks familiar." Aniya habang tinitignan si Drake sa pinakalikod ng mga lalaking nakatayo para sa 18 roses ko.
"You might have seen him somewhere in Metro Manila, kuya. Sa mga bars, maybe." Sagot ko naman.
Ipinagkibit balikat lang niya yun. Nakipagkwentuhan siya ng konti at pinasa na ang kamay ko sa kay kuya Rex na member ng AOC.
Nagpapalit palit silang lahat na 18 roses ko hanggang sa mapunta na sa pinakahuli. Ang escort ko. Si Drake.
"Hey..." sabi niya habang ibinibigay sa akin ang isang napakalaking bouquet ng white roses na may nag-iisang red rose sa gitna ang pang 18th rose ko. "Ngayon lang ulit kita nakitang ganito ka saya. That smile that captured me from the first time I saw you." Aniya habang tinititigan ako ng nakayuko siya.
"Hoy, adik ka ba? Kung naalala ko, last summer lang tayo nagkita. At hindi ko maalalang nginitian kita 'nun."
Humalakhak siya. "Hindi mo kasi ako nakikita. But really, you're the most beautiful lady I've ever seen. And baby, you deserve that smile." Lady? kahit pa talaga espesyal sa akin tong araw na 'to, hindi pa rin niya ako tinigilan sa mga hirit niya.
"Huwag mo nga akong binobola, Drake. At sabi ko wag na wag mo akong tinatawag na baby. May dance number pa tayo mamaya, ayokong magalit sa'yo."
Isinayaw lang niya ako hanggang matapos ang kanta. Napahaba rin ang 18 roses ko, buti nalang talaga hindi ako nagpumps. Kahit matatangkad silang lahat. Okay lang magmukha akong maliit.
Umupo na ulit ako sa couch at nagumpisa ang 18 candles ko. Si mommy ang nauna.
Nangingilid na ang luha niya bago pa siya nagsimula.
"Rain, anak, happy birthday! Today, you turned 18, but for me, you're still that baby girl I used to carry and baby sit." Tumawa ang mga bisita ko. "It was a year ago, when everything had gone down for you, you were very sad and devastated. I was, too. I can see and feel your sorrows, dahil ako ang mommy mo." Umiiyak na si mommy. Tinatahan naman siya ni daddy at ni kuya.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
Chick-LitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...