Chapter 60 Ask me now
Graduation day! Excited ako kaya maaga akong gumising kahit pa mamayang hapon pa naman ito. Dumating kahapon si Daddy at masaya ako doon. Sila ang kasama kong magmamartsa, kukuha ng diploma at ng award ko. Everyone and I are proud kasi gagraduate akong Cum Laude. Sayang lang at hindi ko naabot ang Summa Cum Laude. Drake's a Cum Laude also. Can you all believe that? I hope na darating ang family niya para samahan siya mamaya sa awarding.
"Today's the day, Rain!" sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ng sarili ko. Inabala ko ang sarili ko sa kitchen para magbake. Si mommy at daddy ay busy sa pag-oorganize ng family dinner namin mamaya pagkatapos ng commencement exercices.
Nakailang ulit pa ako ng pagbake ng cake at sa pang-apat na ulit ay nakuha ko rin ang gusto ko. Maliban sa gift kong corporate suit set kay Drake, ay may isa pa akong surpresa.
Then after lunch dumating ang make-up artist at stylist na kilala ni mommy para ayusan kami. Nagtransform yata ako dahil sobrang ganda ng pagkakaayos ng buhok ko at ng pagkakamake-up sa akin. Isinuot ko ang kulay puti kong body con dress na hanggang taas ng tuhod ko ang haba, may lace see through details sa likod at sa sleeves nito. Sinuot ko na rin ang toga kong itim na hanggang lagpas ng tuhod ko. Tapos ang pumps kong kulay flesh.
"You look so stunning, anak." Salubong ni mommy sa akin paglabas ko ng closet room. Nakaformal dress si mommy. Nakita ko rin si Daddy na naka suit and tie. Si kuya ay nakalongsleeved polo na dark blue na tinupi niya hanggang siko.
May ni hire pang photographer pala si daddy kaya nagkaroon muna kami ng photo ops bago pumunta sa Auditorium ng University. This maybe is my happiest day.
Malaki ang ngisi ko habang nakangising nagmamartsa patungo sa uupuan ko sa pangalawang row ng mga upuan. Nakahawak ako sa siko ni daddy at ni mommy habang tumutugtog ang University Band ng graduation march. Naghiwalay din kami ng parents ko pagdating sa harap at umupo sila sa gilid. Ako ay katabi ang mga kapwa ko honor rolls sa iba't ibang course. Actually katabi ko si Drake sa kanan ko at si Faith sa kaliwa ko. Cum Laude din si Faith. Nakatayo kaming lahat hanggang sa matapos ang lahat ng mga graduates na magmartsa. Napaka overflowing ng nararamdaman kong saya ngayong araw. All those sleepless night are gong to be paid off. Finally, mamaya lang marereceive na namin ang bunga ng paghihirap namin sa college life namin.
Nagsimula ang program at nakaupo na rin kami. Sumulyap ako kay Drake na nakikinig lang sa speaker sa stage.
"Are your parents gonna make it tonight?" tanong ko kay Drake.
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng medyo pilit. Si Andrea ang kasama niya kaninang nagmarch. "I guess not, Rain. Nasa China parin sila." Aniya at saka ibinalik ang tingin sa speaker sa stage.
I feel sorry for him, though. Sana nandito ang parents niya para sabitan siya ng medalya mamaya. Atleast nandito parin ang kapatid niya. Gusto ko sanang i-suggest na sina mommy nalang ang sasama sa kanya mamaya, pero since nandiyan na rin si Andrea, hindi nalang ako nagsalita pa at naghintay ng turn namin para sa receiving of awards and diploma.
Hindi ko na mahintay na matapos ang graduation rites namin. Actually, yung gift ko pa kay Drake at 'yung cake ay nasa SUV namin nakabox na 'yun. I can't wait to show him what's in that cake.
Pagkatapos akong i-award ni mommy at daddy ng tatlong mga medals ay bumaba na kami ng stage, then nasa gilid si Drake para salubungin ako. Nakahawak ulit siya ng bouquet ng lavender roses, so far parang ito ang pinakamalaking bouquet na nakuha ko mula sa kanya. HE never fails to surprise me kaya mamaya turn ko naman.
"Thank you, Drake." Ngiti ko sa kanya. Naghiyawan pa ang mga graduates na nakakita ng ginawa niya. Of course, sikat din siya dito sa University. He's a varsity player, dancer, achiever, gwapo and all. Ano pa bang hahanapin mo? He looks gorgeous with his toga and cap.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...