Chapter 10- Maitapon
Mayo. Siyam na buwan na ang nakalipas mula nang nangyari ang trahedyang hindi makakalimutan ng bawat isang nakasaksi at nakapanood nito sa telebisyon.
Lahat ng kaanak at malapit sa puso ay nagdalamhati. Isa ako sa nangulila at nagdalamhati. Sa murang edad ay naranasan ko ang masaktan, dahil sa nangyari. Sinaktan ako ng tadhana. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kong paano ipagpatuloy ang buhay ko. Aminado akong napabayaan ko parin ang pag-aaral ko, ang AOC, ang pagiging miyembro ko ng College at Campus Cultural Unit at higit sa lahat ang pamilya ko na sa bawat araw ay pilit na pinapalakas ang loob ko.
Si mommy, daddy, kuya at mama ang umalalay sa akin sa bawat araw.
I know I’ve been OA, pero wala kayo sa kalagayan ko. Hindi niyo nararamdaman ang sakit sa nakaukit sa aking puso. Wala na siya. At hanggang ngayon, na walong buwan na ang lumipas ay mahal na mahal ko parin siya. Sa bawat paggising ko sa umaga ay siya parin ang laman ng puso at isip ko.
Lahat, kasama si mama ay unti-unti nang nag move on at pinagpatuloy ang buhay, pero ako itong napako sa nakaraan at umaasang panaginip parin ang lahat.
Siguro nga ay karamihan sa inyo ay sasabihing malapit na akong mabaliw sa paghihintay kong magising ako mula sa malalim at malagim na panaginip.
“You’re trailing too much than I imagined, anak.” Bungad ni mommy habang dinadalhan ako ng pagkain sa aking kwarto. “I know, I’m not in the right place, but your sorrows are too much. Can we just move on from what happened?” nabasag ang boses ni mommy.
Nakahiga lang ako sa kama ko, habang suot ang jacket na binili ni Marcus para sa akin. Hindi naman malamig pero, gusto kong laging suot ito.
“Anak, hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan, habang nakikita kang ganyan.” Ngayon lumuluha na si mommy. Kaya nakuha niya ang atensyon ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko.
“Mommy, I don’t know how to just forget what happened.” Niyakap ako ni mommy habang humahagulhol. Pagod na pagod na ako.
“Baby girl.” Sabi ni kuya na kapapasok lang sa kwarto ko. “Do you think, matatahimik si Marcus, kapag nakikita ka niyang nagkakaganyan?”
Yes, I know he will not. But our memories keep haunting me. Bawat makita kong bagay ay nagpapaalala ng mga bagay na nagawa namin. Lahat!
“Nandito lang kami ni mommy at daddy, baby girl. We are your family. Sana alalahanin mo, na nandito kami. We’ll help you move on and forget.”
“Hindi ko siya kayang kalimutan, kuya.” Hagulhol ko.
My brother sighed. “Baby girl, namimiss ka na namin. Sana ipagpatuloy mo kung ano ang nasimulan mo, para sa amin. We are still here, remember that.”
Natauhan ako sa sinabi ni kuya. All these past few months since the tragedy happened, I was never the Sophia Rain they knew. I threw up everything. Napabayaan ko ang lahat kasama ang pamilya ko. Nakalimutan ko na ang lahat kasama ang pamilya ko na kaya naman akong pasayahin. Na noon pa man ay sumusuporta sa akin. I’ve been blinded by the tragedy.
“You made your life too miserable, baby girl.”
Yes, I’ve been miserable. I did forgot the positive side of life. I forgot everything that makes life bright and beautiful.
Pagkatapos sabihin yun ni kuya, ay hinalikan niya ako sa ulo. At ganoon din si mommy. At saka nilisan ang kwarto ko. Tumayo ako, at hinarap ang malaking salamin. Nakita ko ang sarili ko. Nangangayayat, matamlay, walang kulay ang mukha, at nangingitim na ang ibabang talukap ng mata. The girl in front of this mirror is far better than the girl from before.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...