Chapter 24 Already have stolen
Sa hindi malamang kadahilanan, agad akong bumaba at lumabas ng bahay. Mabuti nalang at naka open pa ang double doors ng bahay. Tinahak ko ang daan patungong gate ng bahay.
Nang binuksan ko, bumungad sa akin si Drake na nakasandal sa asul niyang T86. Nakapamulsa siya ng dalawang kamay niya habang nakatungo lang.
Tumingala siya at tumingin sa akin. Namumula ang mga mata niya na parang galing lang sa pag-iyak.
Nabigla ako nang tumakbo siya patungo sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit.
“Shh! Don’t talk.” Bulong niya sa akin bago pa ako makaangal sa pagkakayakap niya sa akin.
Yumakap din ako sa kanya. Marahil ay may problema siya kaya kailangan niya din ng yakap. Hinaplos ko ang likod niya habang nakayakap parin siya ng mahigpit sa akin.
“Damn! I missed you, baby!” bulong niya pa ulit. Nalaman ko naman sa boses niya na umiiyak siya. Nabasag ang boses niya.
“Drake, may problema ba?” sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas na magsalita.
Kumalas siya sa pagkakayakap. Tumatawa siya na umiiyak. “Damn, I don’t know what to say, but, baby, I’m jealous. Really really jealous.”
Katahimikan.
“Sana ako nalang yung Jase. Sana ako ang pinagbebake mo. Sana ako ang inaalagaan mo kapag may game. F**ck! Di mo alam kung gaano ako namamatay tuwing nakikita ko kayong magkasama.” Umiling-iling siya habang pinipigilan ang mga luha niya.
First time ko tong makakita ng lalaking umiiyak, well except of course kay Daddy at kay kuya Isaac.
“You don’t know how much I wish that you’re gonna be sweet with me, baby. Hindi mo alam!” aniya na basag parin ang boses niya.
“Drake, ano nanaman ba ‘to?” tanong kong nakasimangot sa kanya.
“You still don’t know, do you?” at saka tumatawa para pigilan parin ang luha. Pulang pula na ang matangos niyang ilong.
Umiling ako ng marahan.
“I LOVE YOU! OKAY? I LOVE YOU, BABY!” sigaw niya sa mukha ko. Tumalikod siya at sinipa ang gulong ng sasakyan niya. Galit yata?
“But, damn, I really am jealous! I’m sorry, baby!”
“Drake, anong gusto mong gawin ko ngayon? Sinabi ko namang wag ako diba? Sinabi ko na yan sa’yo noon pa.” Nasasaktan ako para sa kanya dahil alam kong hindi ko pa kayang magmahal.
“Just please don’t make me jealous, baby, please? Please?” nakikiusap talaga siya. Pero what can I do? Close na talaga kami ni Jase noon pa man. At ngayon gusto niyang bumawi sa sampung taon na nagkahiwalay kami.
Hindi ko kayang iwasan ang kababata ko. Hindi ko kayang iwasan ang mga stunts niya.
“Hindi ko maiiwasan si Jase, I’m sorry.”
Nagmura siya sa hangin na dinig na dinig ko.
“Tell me, baby, how can I make you love me? How? Damn, I sound too desperate!”
Umiling ako. Naluluha na rin ako dahil ayaw kong nakikitang nahihirapan siya. Close na din kami ni Drake kahit papaano.
“Drake, umuwi ka nalang. Bukas wala na yang nararamdaman mo.” Malamig na utas ko.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...