Chapter 38

80 1 0
                                    

Chapter 38 End this now!

Lumipas ang ilang araw, nanatili sa pagsuyo sa akin si Drake, he always suprises me with stuffs, minsan pang sabay kaming naglunch ay may dala siyang pack lunch para sa aming dalawa na siya mismo ang nagluto. I can see that he’s good at cooking. Kailangan niyang matuto dahil mag-isa lang naman siya sa bahay. Stay out naman ang katulong niya na twice a week lang kung pumunta doon sa bahay niya.

Every Friday naman ay may night laboratory class ako sa baking. Dahil hapon lang available ang pastry chef na instructor namin. We have baking class from five to nine in the evening, and it’s really exciting kasi passion ko ang baking.

Si Drake na ang sumundo sa akin pagkatapos ng baking class ko, hinintay talaga niya ako kahit pa kaninang five pa natapos ang huling klase niya para ngayong araw. I appreciate his effort now.

“Cinnamon.” Halakhak ni Drake nang malanghap niya ang amoy ng chef’s uniform ko. Isa sa mga activities namin kanina ay magbake ng cinnamon rolls so siyempre, makapit ang amoy nito. Sana pala ay nagpalit muna ako bago ako humarap kay Drake, pero naisip ko rin kasi na ilang oras na siyang nilalamok sa labas ng room kaya hindi na lang.

“Bango!” pang-aasar pa ulit niya nang nakasakay na kami sa kotse niya. Hinalungkat ko sa paper bag ang apron at chef’s toque ko at saka binato sa mukha niya.

Tinawanan ko siya sa naging reaksyon niya. Paano kasi mas malakas ang amoy nun dahil natapunan ng kung anu-anong ingredients ang apron ko kanina. Mas marami ang cinnamon.

Tinakpan niya ang ilong niya at nagsimula siyang mag sneeze. Nakita ko pang namula ang ilong niya kaya tinawanan ko pa ulit siya.

“Ang bango ko ba, Drake?” pang-aasar ko pa.

Hindi siya sumagot bagkus bumahin pa siya lalo at suminghot singhot pa na parang sisipunin pa yata.

Naalarma ako doon. “Ui, don’t tell me, allergic ka sa cinnamon powder?”

“Hindi.” Sabi niya at saka tinakpan ang bibig niya para bumahin ulit. Inabutan ko siya ng tissue na nasa dashboard niya.

Hinanap ko sa bag ko ang gamot ko at agad siyang binigyan. “Eto, don’t worry 5 milligrams of antihistamine lang yan, you won’t get overdozed.” Sabi ko at binigyan pa siya ng water.

“Hindi ako aller-hatchoooo! Excuse me.” sabi niya.

“That’s allergic rhinitis, Drake. Hindi ka naman mamatay if you take my medicine. And sorry kung binato ko pa sa’yo ang apron ko.” Inaabot ko parin sa kanya ang tablet at bote ng tubig na tinitignan lang niya. Nilahad ko pa ulit yun at kinuha rin naman niya at ininom.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa loob ng sasakyan niya bago siya natigil sa pagsneeze.

“Okay ka na? Sorry talaga. I’ll take note of your allergy.” Utas ko.

“It’s okay, baby.” Sabi niya habang sisinghot-singhot pa. Napatingin siya sa relo niya at nanlaki ang mga mata niya.

“It’s almost ten, got to drive you home now or I’m a dead meat!” utas niya at agad na pinaharurot ang sasakyan paalis ng campus.

“Ako na ang magpapaliwanag kay mommy, kasalanan ko naman so please slow down.” Sabi ko habang nakakapit ako sa seat belt dahil sa pagharurot ng sasakyan niya.

“Nagpromise ako sa mommy mo, Rain, kahit ano pang mangyari, dapat nakauwi ka na bago pa mag alas diez.” Seryosong hayag niya.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa nakarating kami sa bahay ng ilang minuto bago ang curfew ko. Napahinga pa ng malalim si Drake nang makita ko si kuya na naghihintay at nakahalukipkip sa tapat ng main door ng bahay kung saan itinigil ni Drake ang kotse.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon