Chapter 21

448 3 0
                                    

Chapter 21 Someone you really miss.

Nang sumunod na mga araw ay todo iwas ako kay Drake, nakikisalamuha ako sa mga seniors na mga close ko at sa sobrang feeling close naman ng prinsipe niyo, nakikisingit siya minsan sa mga pinag-uusapan namin. Wrong move pala ako. Dahil imbes na makaiwas ako ay, mas lalo niyang isiniksiksik ang sarili niya sa grupo.

Kaya nung minsang sumingit siya sa usapan nang lunch break namin ay pumunta nalang ako sa dulo para magpahinga.

"You tired?" tanong naman niya. Sinundan pala niya ako sa dulo kung saan ako nakaupong nakapikit at nakasandal sa pader ng dance studio.

Di ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagpikit lang ng mga mata ko. "Sige, magpahinga ka lang, babantayan kita." Aniya.

Hinayaan ko nalang, since hindi ko naman siya pinapansin at kinakausap. Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ang dalawang linggong nagmumukhang parusasa akin habang nakikita ko siya dito.

Siya ang isa sa mga hari na sasayaw. At si Ate Lady ang prinsesa. Buti nalang sa malong lang ako ngayon.

Friday ng umaga nang nabuo na namin ang buong routine. Kaya napagdesisyunan ng trainor namin na uuwi na kami sa susunod na Friday kung malinis na ang routine. Napapalakpak naman kaming lahat dahil duon. At ginanahan lalo kaming pagbutihin ang bawat practices namin.

"Rain, may something ba kayo ni Drake? Napapansin ko lang, masyado siyang close sa'yo?" tanong ni ate Lady sa akin nang nasa room na kami.

Nakita ko naman ang mga naniningkit na mga mata ni Faith.

"Wala po ate, uh, nakikipag close lang siguro kasi, best friends sila ni kuya Isaac." Sagot ko.

"Ahh, okay. Parang iba kasi eh. Mas okay nga dapat kung ikaw ang princess, hindi ako." Aniya na parang sarcastic.

"Uh, mas okay kung ikaw ate Lady, ikaw pinakamagaling sumayaw sa CCU." Sagot ko na ipinagkibit balikat niya.

Nakatitig naman si Faith na nakikinig sa usapan. Oo na Faith, kung hindi lang kayo masyadong nagkakasama nung Darryl, malamang hindi ako nakukulit ni Drake!

Thursday night nang nag-organize sila Ms.Irene ng simpleng party sa poolside. Nagulat naman ako nang sinabi nila sa akin na nagpadeliver daw si kuya ng mga pagkain at inumin.

Nagkakatuwaan naman ang mga members na pool pagkatapos naming kumain. Nakabikini halos ang karamihan at ang iilang lalaki at mga bading ay nakatopless at board shorts lang.

Ako naman ay naka board shorts din at nakafringe sleeveless na top. Ayoko kasing nagsusuot ng bikini.

"Girl, swimming na tayo dali!" tili ni Faith na naka one piece na swimsuit habang hinihila si Darryl.

"Mamaya nalang ako, Faith." Nakita ko namang nagtutulukan na sila at masayang nagsuswimming sa malaking pool.

Ako nandito lang nakaupo sa medyo tagong sunlounger habang pinapanood sila. Feeling ko pagod na pagod ako sa buong dalawang linggong ensayo at hindi ko na magustuhan pang magswimming o makipaglaro sa mga kasama kong dancers.

"That's good. Dito ka lang. So we can have a quality time together."

Napatalon ako sa narinig ko. Si Drake na umuupo rin sa sunlounger na inuupuan ko.

"Wag ka ngang bigla nalang nagsusulpot at nagsasalita. Aatakihin ako sa puso eh!"

"I wish I could literally attack your heart and just enter." Aniya at saka sumandal.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon