Chapter 41 Throwback Thursday
Nakatulog ako sa byahe dahil hindi naman ako natulog kagabi. Nagising nalang kami para mag breakfast sa Mega Station. Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa NAIA1. Nakapila na kami sa check in counter, at hawak ko ang passport at plane ticket at hila-hila ko ang isang malaking maleta. Tumunog pa ang phone ko at nakita kong hindi nakaregister ang number na ito.
Sinagot ko parin ‘yun.
“Oh my gosh! Girl!” tili ng kaibigan ko sa kabilang linya. Si Lexis. Now that he called, nacurious akong magtanong sa kanya.
“Lexis! I miss you.” Sabi ko habang nakatingin kay Faith na nakapila sa likuran ko. Ngumiti siya at parang gusto rin kausapin si Lexis.
“I miss you, too, girl. Sayang hindi ako kasama sa Bangkok. Pero infairness, malayo na ang nararating ng ambassadors.” Maarteng talak niya sa kabilang linya.
“Oo nga eh, sayang wala ka.”
“Well, okay lang, masaya naman ako dito sa Makati. Masaya ang fashion design!” utas pa niya.
“Nga pala, Lexis, kailan ka huling pumunta sa Bar at gumimik?” tanong ko na agad.
“Ha? Bakit? Matagal na, eh. December siguro.” Kumunot ang noo ko sa sagot niya.
“Sigurado ka? May nakita lang kasi akong recent picture na nakatag sa’yo sa facebook. Parang kailan lang yata ‘yun Lexis.” Kinakabahan ako bigla.
Tumawa pa siya sa background. “Ano ba, girl, matagal na ‘yun. Last year pa ‘yun, eh. Hindi ka ba updated sa mga trend ngayon? Uso kaya ang throwback Thursday at Flashback Friday!” halakhak niya.
Kumalabog ang puso ko. Matagal na ba talaga ‘yun? As in last year pa?
“Si-sigurado ka Lexis?”
Tumawa pa siya ulit. “Ano ba bes, yung hairstyle ko nga dun, yung hairstyle ko pa nung debut mo. Iba na hairstyle at fashion ko ngayon, kaya matagal na nga yun. Ewan ba talagang ngayon pa inupload, nakakahiya yung mukha ko ‘dun.” Mahabang pahayag niya at napaawang ang bibig ko doon. Hindi talaga ako makapaniwala.
“Teka, bakit ba nagtatanong ka, girl?”
“Wala, uh, si Faith pala gusto kang kausapin. Ibibigay ko sa kanya ang phone ha?” sabi ko at saka inabot kay Faith ang phone ko.
Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa pila. Pwede bang hindi na ako tumuloy? Gusto kong kausapin si Drake. Gusto kong ako naman ang magsorry ngayon. Hindi ko tinanggap noon yung paliwanang niyang matagal na nga ang picture na ‘yun. Ngayon nanggaling na mismo kay Lexis na parte yun ng sinasabi niyang throwback o flashback na trend sa Facebook. Bakit hindi ko nalamang matagal na nga ‘yun?
Nabulag ako ng galit ko sa kanya. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Nagalit ako ng sobra ng wala naman palang dapat dahilan. Ansama-sama kong tao. Ako pala ang masama. Naging sarado ako para sa kanya. Hindi niya sinira ang tiwala ko, dahil nung mga panahong ‘yun siguro ay hindi ko pa siya kilala at parte parin yun ng paglimot niya sa akin.
Bakit? Bakit?
Buong byahe namin sa eroplano na tumagal ng anim na oras ay iniisip ko ang pagbabalik namin sa Pilipinas at apat na araw pa ‘yun. Gustong-gusto ko na siyang makita, makausap at mayakap.
Naguiguilty ako sa mga sinabi ko kay Drake. Naguiguilty din ako sa nangyari kahapon na kinaya niyang magbabad sa ilalim ng malakas na buhos ng Ulan para lang mapatawad ko siya.
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...