Chapter 44 Waltz
Graduate na si kuya Isaac sa college at sa ngayon ay nirereview na niya ang business na pinatayo ni mommy at daddy bilang graduation gift sa kanya. It was his business proposal nung college siya. Next weekend ay officially mag-oopen na yun sa public. It’s a high-end bar katulad ng sa Club Inferno. Pero mas maganda ito at napakaclass.
Finally! May business na ang family namin. My parents support this kind of business which my kuya really liked and dreamed of. I’m proud of him. It was his concept after all.
Ako naman ay senior year na itong parating na school year and I’m really excited about it. I’ll be very busy though I’m used to it naman.
Fourth year na rin si Drake at Jase pati ang mga kaibigan kong babae. Mabuti na lamang at magkakablock mates na kaming lima. Well, blockmate rin namin si Jase. Drake’s doing great in his studies also kahit pa sobrang nasisingit ang mga ginagawa niya sa business nila sa Manila.
I’m not demanding about his effort. I guess it’s more than enough. He give me flowers and presents kahit wala namang okasyon.
Minsan inaaway ko naman siya pag matagal niya ako pinaghihintay sa date namin at hindi naman ‘yun ang dahilan. Minsan talaga gusto ko lang na sinusuyo niya ako. I want to hear his sweet words.
Tumutulong ako kay kuya sa paghire at pagtrain sa ilang mga staff niya since may alam ako sa food and beverage service.
“Kuya, the one you hired as floor manager, I can see she’s hardworking.” Utas ko habang nandito kami sa bar niya at finafinalize ang mga staff niya para sa grand opening ng Pharoah’s Lounge Music.
Tumango si kuya. “I got her from Baguio. I saw her from one of the bars there, baby girl.”
Tumango din ako dahil nakikita ko na tumutulong yung FM sa pagtetrain din ng staff lalo na ng mga bar tenders.
“By the way, makakapunta ba si Drake sa grand opening?” tanong ni kuya.
Now that he mentioned. “Oh, nasabi ko na sa kanya and he got the invitation last week kuya. I’ll ask him again if he can make it.”
Ngumiti lang at tumango si kuya at pinagpatuloy ang ginagawa sa kanyang laptop. Tinignan ko ang kabuuan ng bar. Dalawang palapag ito. Dito sa second floor ay mga couches para sa mga VIPs. Matatanaw mo mula dito ang stage, dance floor at ang main bar counter ng bar. Sa ground floor naman ay may iilang mga couches din pero mas marami ang magagandang chairs at tables. Maganda ang theme ng lounge na may mga pharaohs na painting. Nangingibabaw ang kulay na itim at lilac na nakakamanghang tigan kapag dim na ang lights. Marami din ang nakapalibot na surround speakers. Lahat ng ito ay ideya ni kuya. Modern classic na may pagka ethnic at Egyptian.
Nitext ko si Drake para I confirm kung makakapunta ba siya.
Ako: “Drake, kuya’s asking if you’ll be here for the grand opening of his bar.”
Nakareceive naman ako ng reply matapos ang ilang minuto.
Drake: “Pupunta ako. I’ll be there on Thursday then back here again on Monday. Wanna date you :)”
Kinilig ako dahil may apat na araw kami para magkasama bago siya mas maging busy at alam ko pagkatapos nun ay sa pasukan na ulit kami magkikita. It’s hard na malayo kami sa isa’t isa. But I’m getting used to it kahit hindi pa kami.
“By the way kuya, I’m working on a cupcake with whiskey and rhum. Pwede siyang i-serve as one of the complimentary foods sa grand opening.”
BINABASA MO ANG
You Have Stolen My Heart
ChickLitHindi ba't ang sarap mangarap at mag-aral kung may inspirasyon ka? Pero high school ka pa lang, marami ka pang kakaining bigas, ika nga. Paano kung kahit bata ka pa lang, siya na talaga at buo na ang desisyon mong siya na ang makakasama mo hanggang...