Chapter 5

614 4 0
                                    

Chapter 5

“Bakit ‘di na masyadong sumasama sa atin si Marcus?” puna ni Faith na palagi na naming kasama matapos ang GR ng AOC noon.

“I dunno, ask Rain.” sabi naman ni Lexis na busy sa pagkain niya.

“Hindi ko rin alam, simula nung nanalo kami sa pageant, di na niya akong masyadong kinakausap.”

Yeah right, nanalo ako bilang Ms. Intramurals at si Marcus naman ay 1st runner up. Simula nung kinausap ako ni Marcus na sana tumanggi ako sa pagsali, malamig na siya sa akin. Akala ko susuportahan niya ako dito katulad ng suportang nakuha ko mula sa kanya nung pinasali niya ako sa AOC. I’m not into joining a pageant, kahit gaano pa ito ka wholesome pero, wala na akong nagawa nung nalaman kong isinali na pala ako ng adviser namin. What’s wrong with me joining it? I know I’m not that confident pero nung nag start na yung pageant, iniisip ko nalang na matatapos na yung, manalo man o matalo basta nairepresent ko yung curriculum namin. Why he isn’t proud of me when I won?

It’s been weeks, nakikita ko lang siya mula sa malayo, nag-iisa parati. Sumusulyap din siya pero, wala na yung ngiti na gustong gusto kong nakikita araw-araw. Napakalamig niya. COLD! Sumasabay sa kalamigan ng panahon, November na eh.

Ano ba Marcus, why so cold? Why aren’t you proud of me this time? Why do you have to stay away?

Napakadami kong tanong pero wala akong lakas ng loob na kausapin siya.

“Baby girl, how’s school?” pambungad ni kuya pagkarating niya sa bahay. Nasa sofa lang ako sa sala, preoccupied with the coldness of Marcus.

“I’m doing fine kuya. How’s your group by the way?”

“Well, pahinga muna kami for a month then back to rehearsals na kami by January for the Hiphop International. Si mommy, is she home?”

“Yup, kuya. Mom’s probably in her room, why?”

“Ah, gusto ko sanang magpaluto kay mommy ng sinigang na hipon para sa dinner. Namimiss ko kasi luto ni mommy. It’s been forever, haven’t tasted my favorite.” Then he chuckled.

Nagluto nga si mommy ng favorite ni kuya na sinigang na hipon and some other seafood dishes. Matagal na rin since naghanda si mommy ng ganito, since lagi nga siyang wala for her business conventions.

“The best ka talagang magluto mommy.” Puna ni kuya habang sarap na sarap siya sa pagkain niya.

Ako, hindi ko nanaman alam kung paano kakain. This past few weeks, palagi akong walang gana.

“Baby girl, di ka masyadong nakain?” sabi ni kuya habang punong puno ng pagkain ang bibig niya.

“Don’t you like the foods, anak? Gusto mo magluto ako ng iba?” pag-aalala ni mommy

“Ah, no mom. Masarap po.” Napilitan akong kumain. Siguro nasa tatlong pirasong hipon lang ang nakain ko.

Bakit ba kasi masyado akong apektado sa malamig na si Marcus.

“On-diet ka ba, baby girl? Sus! Nanalo ka lang sa pageant, conscious ka na masyado sa katawan mo.” Panunuya naman ni kuya.

“Ah, no kuya. Uh, busog lang talaga ako.” Nakatungo ako, habang pilit na inuubos ang pagkain ko sa plato.

Wala talaga akong gana. Uh, nakakainis! Natanggal lang ang pagkakatulala ko sa pagkain nang biglang dumighay ng pagkalakas lakas si kuya.

“Thanks for the foods, mom. Nabusog ako ng sobra. Sana araw-araw ganto!” masayang sabi ni kuya habang hinihimas ang tyan niya sa sobrang kabusugan.

You Have Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon