Chapter 3

34 0 0
                                    

Chapter 3

Venus Pov.

"Tingnan niyo mga girls, siya yung babaeng dikit nang dikit kay Papa Johnny natin", rinig ko na pabulong ng isang babae habang naglalakad ako sa hallway.

"Siya ba yun? Ang landi niya naman masyado."

"And that's not all, pinipilit niya pang magpapansin kay Papa Johnny para lang pansinin siya, I think she's very obsess to him".

"Talaga? What a pathetic girl, hahaha! Sa tingin niya naman papansinin siya ni Papa Johnny natin, porket magkaklase na sila ay makukuha na niya ng basta basta na lang? What a loser".

"I agree, ang landi niya!".

Binilisan ko na lang ang paglalakad dahil hindi ko na kaya pang marinig yung mga masasakit na salitang binibitawan nila sakin. Habang naglalakad ako na hindi ko naman alam kung saan pupunta, may nabangga akong isang lalaki pero hindi ko tiningnan yung mukha niya dahil ayaw kong makita niya na umiiyak ako.

"Pasensya na miss, okay ka lang ba?", tanong niya habang nakayuko lang ako sa kanya.

"Okay lang ako, sige bye!", at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, pero hinawakan niya yung braso ko dahilan naman para makita niya yung mukha ko.

"Teka, umiiyak ka ba? Sorry, hindi ko naman sinasadya, heto panyo oh", sabay abot niya sakin.

"Hindi naman ako umiiyak eh, napuwing lang ako mula sa pagkakabangga ko".

"Malakas ba yun kaya napuwing ka?", sarap batukan 'tong lalaki na to.

"Ewan ko sayo, aalis na ko", sabi ko at papasok na sana ako sa isang room.

"Anong gagawin mo diyan sa loob?".

"Magsa-study, bakit tuturuan mo ko?", pagsususungit ko sa kanya.

"Willing ka ba?".

"Anong ibig mong sabihin?", okay nalilito na ko.

"Comfort Room yan ng mga lalaki eh", sabay ngiti niya naman sakin.

Tinignan ko naman yung sign sa taas at nakita ko nga yung simbolo ng isang lalaki na kulay blue at nakasulat na MEN. Halos tumaas lahat ng dugo ko at sobrang namula talaga ako mula sa kahihiyan habang siya naman pinipigal niya lang yung sarili niya mula sa pagtawa.

"She-she-she Shet!!! Nakakahiya!", sigaw ko na lang habang tinatakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay.

"Ano, gusto mo turuan kita, halika na sa loob", pabulong niya sakin habang naka akbay.

Pagkarinig kong yung, pakiramdam ko may lumalabas na usok mula sa tenga ko at pakiramdam ko sasabog na ko sa sobrang hiya at kaba kaya naitulak ko siya ng malakas dahilan naman ng pagkabagsak niya.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon