Chapter 2

39 0 0
                                    

Chapter 2

Johnny Pov.

Bumalik ako para kunin yung mga naiwan kong gamit kahit hindi pa oras ng labasan. Ayoko ko na ulit mangyari na inalis ko yung pagka-pride ko dahil lang sa libre. Bago pa'ko bumalik sa School ay dumaan muna ako sa Mall para bumili ng mga kakailanganin kong gamit.

Habang tumitingin ako sa School Supply Area, medyo napapansin kong may sumusunod sa'kin pero hindi ako nagpahalata. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa mawala ako sa paningin niya at nagtago. Naghintay ako dun hanggang sa makalabas siya, patingin-tingin siya sa paligid na para bang may hinahanap pero hindi niya alam na nasa likod niya pala ako.

"Sinusundan mo ba ako?", pagkasabi kong yun ay parang tatalon na siya sa sobrang gulat, "Bakit mo ba ako sinusundan?".

"H-Hindi ah, B-Bakit naman kita susundan? Kapal mo ha", sabi niya na parang hindi mapakali.

"Tsk!", at umalis na ko sa harapan niya. Pero patuloy niya pa rin akong sinusundan kahit saan ako magpunta. "Ano ka ba? pwede bang umalis ka na nga!", inis kong pagkakasabi.

Napatigil naman siya sa pagsunod sa'kin hanggang sa makabalik ako ng room. Medyo konti lang yung mga kaklase kong nandun kaya pumunta na lang ako sa may Fresh Boy Club para magpalipas oras. Nakita ko naman silang busying-busy sa paglalaro ng Computer at psp at yung iba naman nakikinig lang ng music.

"Oh tol! saan ka nanggaling?", tanong sa'kin ni Sm Christian.

"Sa Mall, bumili ng School Supply", sabi ko pagkatapos kong inilapag yung mga pinamili ko sa lamesa, "Kayo, wala ba kayong balak bumili?".

"Mamaya na, tinatamad pa kami", sabi ni Jp.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain at bumalik na din sa sala para makapagpahinga. Oh di ba, sabi sa n'yo parang bahay na rin yung Club namin.

"S'ya nga pala, may naghahanap sa'yo kanina dito, pabalik-balik siya at palaging tinatanong kung dumating ka na raw", sabi ni Iian habang nagpapatugtog ng gitara.

"Ah si Xtian yun siguro, tatawagan ko na lang siya mamaya", sabi ko sa kanya.

"Babae naghahanap sa'yo dude hindi lalaki".

"Babae? sinong babae naman yun?", pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Si Venus, ewan ko kung bakit ka niya hinahanap pero parang importante yata yung sasabihin niya".

Kaya pala sinusundan niya ko kanina ay dahil may gusto siyang sabihin sa'kin? Eh bakit hindi na niya kaagad sinabi nung nagkita kami sa Mall?

Venus Pov.

"Hay, galit pa rin siya sa'kin. Ba't ba kasi hindi ko kaagad sinabi sa kanya na magso-sorry sana ako sa ginawa ko kahit sobrang babaw naman ng kasalanan ko. Ang gusto ko lang naman eh maging kaibigan siya pero bakit mahirap makipagkaibigan sa masungit na yun?", sabi ko habang nakatingin sa sahig pabalik ng School.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon