Chapter 19

23 0 0
                                    

Chapter 19

Venus Pov.

Nandito kami ni Xtian sa loob ng sasakyan papunta sa kinaroroonan nina Johnny, kuya Marky, Vince at Timothy.

"Malapit na ba tayo?", tanong ko kay Xtian. Kanina pa ko hindi mapakali kung ano na yung nangyayari sa kanila. Baka pinagtutulungan na nila si kuya o di kaya napapahamak na silang dalawa ni Johnny. Sana naman okay pa rin silang dalawa.

"Malapit na", sabi niya at matapos ang limang minuto ay sa wakas nakarating na rin kami. Tinanggal ko yung seatbelt na nakakabit sakin nang biglang pinusasan ni Xtian yung kaliwang kamay ko sa handwheel ng kotse niya.

"Xtian! Ano 'to?!", inis na sinabi ko sa kanya.

"Pasensya na Venus, kailangan ko lang gawin yan para sa kaligtasan mo", sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin.

Hindi nakalock yung seatbelt niya kaya mabilis siyang nakababa ng kotse, sinubukan kong higitin yung damit niya pero hindi ko na nagawa, "Hoy Xtian! Tanggalin mo 'to! Pakawalan mo ko dito!!!

"Hindi pwede Venus, delikado ka dito. Diyan ka lang at kailangan ko silang tulungan", at umalis na siya.

"Xtian! Pakawalan mo ko dito Xtian!!!", sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Nakaparada yung sasakyan namin sa gilid ng daan at medyo liblib yung lugar kaya wala masyadong sasakyan ang dumadaan dito. Sinusubukan kong makawala sa posas na nakakabit sa manibela pero hindi ko talaga matanggal. Bwisit talaga na Xtian na yun, patay talaga yun sakin kapag makawala ako dito.

Halos 20 minutes na'ng nakalipas pero nasa kotse pa rin ako habang tinatanggal ko pa rin yung posas mula sa kamay ko. "Arghhhh!!!! Nakakainis!!! Hindi ko talaga matanggal!!!", kahit anong pilit ko, wala talaga.

Ano na kaya nangyayari sa kanila? Hindi na talaga ako mapakali, baka napa'no na sila. Ano ba naman yan, wala akong magawa. Kahit na makawala ako dito, hindi ko din naman alam ang gagawin ko para matigil na 'tong Gang War na sinasabi nila. I feel worthless, wala talaga akong kwenta!

Napaiyak na lang ako dahil wala man lang akong nagawa para sa kanila. Gusto kong tumulong pero hindi ko magawa at wala akong magagawa. Ano bang silbi ko dito? Ano ba ang dahilan kung bakit nandito ako? Gusto ko lang naman matigil ang away na 'to pero wala man lang akong lakas para gawin yun.

*sniff* "Kuya, Johnny nasa'n na ba kayo? Bakit ba kayo nagsinungalin sa'kin?", *sniff* "Sana man lang sinabi niyo sakin para nakapagdasal ako na sana walang mangyari sa inyong dalawa na masama", *sniff* "Hindi niyo naman kailangan itago sa'kin dahil maiintindihan ko naman yun eh, kasi may tiwala naman ako sa inyong dalawa", *sniff* "May tiwala ako na hindi niyo kami iiwan", *sniff* "Ang kinatatakutan ko lang ay yung mawala kayong dalawa sa buhay ko, dahil hindi ko talaga makakaya pag iniwan niyo ko kahit isa man lang sa inyo. Huhuhu :'(", sabi ko sa sarili.

Habang umiiyak ako, may nakita akong isang bagay kung saan nabigyan ako ng pag asa para makawala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Ginamit ko yun at sa wakas ay nakawala na rin ako sa posas na kinabit sakin ni Xtian. Binuksan ko yung pinto ng kotse at tumakbo ako sa deriksyon kung saan huli kong nakita si Xtian bago siya nawala sa paningin ko.

Earlier before the Gang War

Johnny Pov.

Nauna kaming dumating sa lugar kung saan kami dapat magtagpuan. Ako at ang isang daan kong grupo ang naghihintay sa kanilang pagdarating. Sabado ngayon at walang pasok kaya lahat ng oras namin, dito namin sasayangin. Tinanong ko silang lahat kung handa silang ipaglaban ang kanilang sarili para sa ikabubuti ng lahat at iisa lang ang sagot nila, HANDA NA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon