Chapter 6

11 0 0
                                    

Chapter 6

1 months later...

Venus Pov.

"Ano ba yan, ba't ang tagal naman ng dalawang iyon?", inis na pagkakasabi ko.

"Hay naku, hindi ka na nasanay sa kanila, e ganyan ang dalawang yun eh", sabi ni Xtian.

"Relax lang Ven, be patient", sabi ni kuya Marky.

"Tae ka naman kuya eh!", haist! Ano ba naman 'to si kuya, panigurado magiging under 'to kay Mae pagnagkatuluyan sila.

Nasa Food Court kasi kami ngayon para magbonding, kaso yung plano sana namin mag double date pero ang nangyari, gustong sumama ni Xtian at Leo kaya wala akong nagawa, sayang nga at masosolo ko na sana si Johnny eh kaso may mga epal.

"Oh ayan na, parating na sila!", sabi ni Leo. Magkakilala na pala kami since 1 month na din ang nakalipas.

"Hi! Kanina pa kayo?", tanong ni Mae sa'min. Oo kanina pa! Ang tagal niyo kasi!

"Naku kahit ma late ka pa, okay lang sakin basta para sa'yo", sabi ni kuya.

Kuya naman eh! Nakaka-inis! Nasa likuran naman si Johnny na naka headset lang at ngumunguya ng bubble gum. Ang hot ng dating niya!!!

"Ba't ang tagal niyo?! Ano bang pinanggagawa niyo at natagalan kayo?", inis na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Marky oh, ang kapatid mo sobrang sungit sakin, hmmp!", pagsusumbong niya.

"Venus, behave", sabi naman ni kuya.

"Kuyaaaa! Haist! Bahala nga kayong dalawa!", sabi ko at tumahimik na lang ako sa inu-upuan ko.

Naramdaman ko na lang na may tumabi sakin at nakita ko si Johnny. "Ba't ang init ng ulo mo? Ah oo nga pala para sa'yo", sabi niya at binigyan niya ko ng lollipop. Ang kulit din ng isang 'to!

"Salamat!", sabi ko na lang. Kinuha ko yung balot ng lollipop at nagulat na lang ako ng nakita ko yung itsura, hugis rosas!

Natuwa naman ako sa binigay niya kaya lumamig yung ulo ko, kahit masungit siya tingnan, ang sweet sweet pa rin niya. Ayieeeh!!!

"Uy tingnan niyo si Venus oh, nakangiti na parang baliw", sabi ni Leo.

"Che! Tumahimik ka, epal ka lang dito!", sabi ni Xtian.

"Hoy ikaw din naman ah! Isa pa Xtian ha, isa pa!", inis na sabi ni Leo.

Ang ingay naman ng dalawang 'to, isa na lang ang kulang, si Jhenny. Nagpa-alam na kasi yun na mali-late daw siya pero hindi niya naman sinabi kung ano oras siya darating.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon