Chapter 11

12 0 0
                                    

Chapter 11

Xtian Pov.

Flashback...

Nung unang pumasok ako sa East Berlin Academy, akala ko magkakasama kami Johnny sa iisang section. May nakapagsabi kasi sakin na nasa Star section daw ako at  nalaman ko rin na sa Star Section din nilagay si Johnny kaso ang hindi namin alam, dalawa pala ang Star Section ng School na 'to.

Nilagay si Johnny sa Star Section Alpha kung saan halos sikat, matalino, kilala at mayayamang  estudyante ang nilalagay lang dun. Hindi naman nakakapagtaka yun dahil galing talaga si Johnny sa mayamang pamilya. Habang ako naman nilagay sa Star Section Ace kung saan Matalino, at Scholar yung nilalagay nila dito. May mga kaklase din akong mayayaman kaya lang gusto lang nila magpakasimple kaya ito ang pinili nilang section.

Wala akong kakilala kahit isa sa mga kaklase ko kaya malayo ang loob ko sa kanila, nahihiya din akong magpakilala dahil hindi ko naman yun gawain. First day ng klase, habang naglalakad ako sa hallway, may nakita akong estudyante na naglalakad habang may dala-dalang libro. Nagtataka kayo siguro kung bakit first day palang may mga libro na siya noh? Kasi puro noble at mga Lovestory na libro yung mga dala niya. Mahilig kasi siya sa mga Romance kaya Book freak siya kung tawagin. Hindi naman siya kagandahan, nakasalamin at parang manang yung itsura niya.

Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang binangga siya ng isang estudyante kaya lahat ng librong dala-dala niya ay nagbagsakan. Wala na kong nagawa kundi tulungan siya, naaawa na ko sa kanya. Isa-isa kong dinampot at tiningnan yung mga libro niya, "Oh heto", sabi ko sa kanya sabay abot.

"S-salamat", sabi niya habang nakayuko siya sakin sabay abot.

"Mahilig ka pala sa mga Romance", sabi ko.

"Hehe oo eh, sa pagbabasa lang talaga ako masaya".

"Ano naman ang masaya dun, di ba boring ang magbasa ng libro?".

"Boring siya kung hindi mo maintindihan pero kapag alam mo kung ano yung ang pinapahiwatig ng libro, diyan mo malalaman".

"Sabagay, teka maliban sa pagiging masaya mo sa pagbabasa ng mga ganyan, bakit ka ba mahilig sa mga romance? Di ba hindi naman totoo yung mga nakalagay diyan na may happily ever after?".

"K-kasi dito lang ako nakakaramdam ng kilig, kung pa'no naging sila at pa'no sila nagkakatuluyan, kahit totoo man o hindi, naniniwala pa rin ako na may happily ever after ang buhay ng tao", pangiti-ngiti niyang sinabi.

"Ang korne naman yan pakinggan, naranasan mo na ba yan sa totoong buhay?", pagkasabi ko nun, biglang nawala ang ngiti sa mata niya at bigla akong nalungkot, "Naku pasensya na, may nasabi ba ko?".

"Ah naku wala, wala naman. Sa totoo lang hindi pa ko nakaranas ng ma-inlove dahil walang pumapatol sakin, sa ganito kong itsura walang lalaking pagtyagaan ako para lang mahalin kaya sa libro na lang talaga ako bumabawi, dahil dito kahit wala akong lovelife, masaya pa rin ako", sabi niya habang nakangiti.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkaawa sa kanya, may mga tao pala na ganito sa mundo na ginagalawan ko. Pa'no kaya nila natitiis ang ganyang buhay na walang pagmamahal? Alam kong may nagmamahal din sa kanila pero iba pa rin yung may isang tao na handang mahalin ka, ipaglaban ka at tanggap ka kung ano ka man. Ako, nung elementary pa ko, marami akong naging crush at pinapansin din ako mga crush ko dahil sa pagbibigay ko sa kanila ng tawa at saya pero pa'no pag walang pumapansin sayo? Di ba panget naman nun?

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon