Chapter 8

17 0 0
                                    

Chapter 8

Johnny Pov.

Nakita naming may nakatalikod na mataas na lalaki sa harap ng pintuan habang papalapit kami dun sa bahay ni Mae. Pagkababa ni Mae, bigla siyang tumakbo dun sa lalaking yun at humarap naman yung lalaki sa kanya.

"Daddy!", sigaw ni Mae habang nakayakap sa lalaking iyon, kay Daddy.

"Kamusta ka na Mae? Namiss kita ha, kamusta na pag-aaral mo?".

"Okay lang po Daddy, kanina pa po ba kayo dito?".

"Hindi naman", tapos tumingin yung lalaki sakin."Ay Daddy, si kuya Johnny pala", pangiti-ngiting sinabi ni Mae.

Lumapit yung lalaki sa'kin hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. "Uhmm.. kamusta na po kayo?", sabi ko.

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit at ako naman parang hindi ko alam kung ano gagawin ko, "Kamusta ka na anak? Ang tagal na nating hindi nagkita", sabi niya habang nangingiyak siya.

Anak? Matagal ko na rin hindi naririnig yun mula kay Papa. Si Mama kasi kahit kailan hindi ako tinatawag na anak, si Daddy lang.

Pakiramdam ko medyo iiyak na ko, pero hindi pwede, ayokong umiyak, dapat ang lalaki hindi nagpapakitang umiiyak. "Uhmm... masyado po tayong awkward daddy".

Tumigil naman siya sa pagyakap sakin at inalis-alis yung luha sa mata niya, "Hehe, ikaw talaga kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago pero binata ka na ha, hahaha".

"Kayo din po eh", tapos ngumiti lang ako sa kanya.

"Alam niyo, ang gaganda niyo tingnan, parang naiiyak ako sa inyo", sabi ni Mae.

"Tumigil ka nga Mae, Action and Romance kaya ang genre nito, hindi drama", sabi ko naman sa kanya.

"Asus! Kunwari ka pa eh, iiyak ka rin sana kung hindi mo lang pinigilan, hahaha!".

Natahimik ako sa sinabi niya, totoo naman eh. Tsaka kambal kami kaya alam namin ang nararamdaman namin sa isa't isa, "Talaga anak? Iiyak ka na sana?", tanong naman ni Daddy.

"Bahala nga kayo diyan!", naku nakakahiya.

"Uyyy... nahihiya si kuya".

"Tumigil ka na Mae, kukutusan kita diyan eh!".

"Daddy, si kuya nagba-blush!".

Lalapitan ko na sana si Mae para batukan kaso niyakap naman ulit kaming dalawa ni Daddy, "Alam niyo, na-miss ko talaga kayong dalawa!", sabi ni Daddy.

Nakita ko naman si Mae na naka evil smile sakin kaya tiningnan ko siya na, 'Don't push your luck' looks. So ayon nagkakwentuhan kami buong gabi at doon na din ako natulog sa bahay ni Mae. Pero syempre maaga akong umalis dahil may pasok pa kaya umuwi muna ako ng bahay para magpalit ng damit. Si Daddy naman, sumama na rin sakin papunta sa Condo para doon muna tumira, bakasyon siya ngayon kaya nilubus-lubos niya na ang pagpunta dito para lang makita kami.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon