Chapter 17

19 0 0
                                    

Chapter 17

Jhenny Pov.

"L-Leo?! A-Anong g-ginagawa mo dito?", nanginginig kong sinabi sa kanya.

"Hahaha! Ano bang kinakatakot mo? Masama bang magpakita ako sa'yo", sabi niya habang nakangiti ng masama sa'kin.

"Sagutin mo nga ng maayos ang tanong ko, anong binabalak mo?!".

"Wala lang naman, gusto ko lang ipa-alala sa'yo na malapit na ang katapusan ng mga kaibigan mo, at pati na rin ang pinakamamahal mong si Xtian".

"A-Anong ibig mong sabihin?", medyo kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Katapusan? Ibig niya bang sabihin may mangyayaring masama sa mga kaibigan ko pati na rin kay Xtian?

"Hindi mo alam? Whahaha! Kaya pala parang wala lang sa inyo yung mga nangyayari, siguro hindi nila pina-alam sa inyo, kung sabagay malapit na silang mawala sa mundo kaya nila yun ginawa, hay kawawa naman sila".

Wala talaga akonh maintindihan sa mga sinabi niya, "Ano ba'ng gusto mong iparating ha?! Pwede bang sabihin mo na, ina-aksaya mo lang ang oras ko at kung wala kang sasabihing matino sa'kin, pwede ka nang umalis", galit na sinabi ko sa kanya.

"Nalalapit na ang Gang War ng apat na grupo. Ang North, South, at East Berlin Gang laban sa grupo namin na West Berlin Gang. Isang madugong labanan ang magaganap kaya maghanda na kayo sa anumang mangyayari dahil hindi na ito mapipigilan."

Pagkarinig kong 'yon, bigla akong nanghina na parang nauubusan ako ng lakas. Mabilis tumibok ang puso ko na parang natatakot at kinakabahan. Halos napaluhod ako sa sinabi niya at parang ayaw tanggapin ng tenga ko ang lahat ng mga sinabi niya, "B-Bakit mo ba 'to ginagawa sa'min? Di ba kaibigan mo rin kami? Wala na bang halaga sa'yo yung mga pinagsamahan natin?".

"Kaibigan? Whahaha! Nagpapatawa ka ba? Una sa lahat, hindi ko kayo itinuring na kaibigan dahil unang-una pa lang, kalaban na ang tingin ko sa'yo, pangalawa, ang tingin ko sa inyo, mga walang kwenta at pangatlo, kahit kailan hindi ko yun naramdaman kaya wala akong alam sa pinagsasabi mong kaibigan", tumalikod na siya sa'kin pero bago pa soya humakbang ay lumingon siya muna sa'kin, "And by the way, ipagdasal mo na ang boyfriend mo dahil baka hindi mo na siya ulit makikita nang buhay pagkatapos ng laban", at tuluyan na siyang umalis.

Naninigas ang buong katawan ko sa mga sinabi niya, parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng mga salitang bibitawan niya, "Hindi, hindi lahat totoo ang mga narinig ko".

Pagka-umaga, agad kong pinuntahan si Xtian sa Classroom niya pero hindi pa daw siya dumadating, hindi ko din siya makontak dahil patay naman ang cellphone niya mula pa kagabe, "Nasa'n na kaya yun?", sabi ko habang nasa labas ako ng kwarto niya.

Sa wakas nakita ko na siya na naglalakad papunta sa deriksyon ko, mula sa kanyang kinaroroonan, kitang-kita ko sa mukha niya na parang nagtataka siya, "Jhenny? Ba't ka naparito, hindi pa ba nagsisimula ang klase mo?", tanong niya.

"Bakit ba nakapatay amg cellphone mo? Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabe dahil sa kaiisip sa'yo?!".

"Oy, relax lang, bakit nami-miss mo ba ko?" sabi niya habang nakangisi.

"Pwede bang sagutin mo ko ng maayos!".

"Okay, okay easy, nabagsak ko kasi yung cellphone kaya nasira, wala akong magagawa kundi bumili ng panibagong. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? May nangyari ba?".

Xtian Pov.

Ano bang nangyayari sa babaeng 'to, may nagawa ba kong masama? Bakit, ang init ng ulo niya ngayon?

"Okay, okay easy, nabagsak ko kasi yung cellphone kaya nasira, wala akong magagawa kundi bumili ng panibagong. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? May nangyari ba?", sabi ko sa kanya.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon