Chapter 4
Xtian Pov.
Nakita ko siyang may dala-dalang prutas na nakabalot sa plastic bag, kung hindi niyo naitatanong, Si Marky ay lider ng South Berlin Gang at magiging kaaway namin sa nalalapit na Gang War. Pagkatapos niyang pumasok, bababa na sana ako para balaan si Boss kaso alam kong marunong tumupad ang mga lider sa kanilang mga pangako kaya pinabayaan ko na lang, siguro naman hindi siya gagawa ng gulo kung magkita nga sila ni Boss.
Venus Pov.
*Yawn*, "Napahimbing yata ang tulog ko, teka anong oras na ba?", sabi ko at tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader, "Shet! Alas dyes na pala ng umaga! Maygad! Nakalimutan kong paghandaan si Johnny ng agahan, teka nasaan na nga pala siya?", sabi ko.
Paggising ko kasi wala na siya sa tabi ko.
"Oh gising ka na pala, mahimbing ba tulog mo?", bigla na lang may nagsalita sa likod.
"Johnny? Saan ka nanggaling at bakit nakabihis ka na?", pagtatakang tanong ko sa kanya, nakasuot na siya kasi ng polo.
"Syempre lalabas na ng Ospital, ayoko na kasi dito, mamamatay ako dito sa sobrang bored".
Tumulong na lang ako sa pagligpit ng mga gamit niya, medyo nahagip ng mata ko yung isang picture frame na nakatayo sa mesa katabi lang ng higaan niya, "Ang ganda naman ng kuha mo dito, pero sino naman yung mga kasama mo?".
"Yan? Mga grupo ko sa Gang, binigay sakin yan ni Xtian kahapon, birthday gift niya sakin dahil birthday ko, mabuti pa si Xtian naalala niya pero yung iba diyan hindi".
Gift? Shet! Nakalimutan kong bilhin siya ng regalo, ang tanga-tanga ko talaga! Sa lahat ng makakalimutan ko, bakit birthday gift niya pa?!
"Naku sorry sorry talaga, alam ko naman na birthday mo kahapon pero nataranta ako dahil may nangyari sayo kaya nawalan na ko ng oras para bumili.", pagdadahilan ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.
"Oo na, sige na akin na yang bag", haizt! Ano ba 'to nagtatampo na siya sakin, huhuhu :'(
"Huhuhu :'(, Huwag ka nang magtampo sakin oh, mamaya babawi talaga ako basta mapatawad mo lang ako, please?".
"Bilisan mo na nga diyan, mahirap magdala ng bag pagnakasemento ang paa at nakasuklay noh!", inis na sabi niya.
Uwaaaah!!! Galit na siya, anong gagawin ko? "Sorry talaga *huk* hindi ko naman kasalanan na nakalimutan kong bumili eh *huk* nadala lang kasi ako ng takot kahapon dahil sayo kaya inuna kita at hindi na ko nakabili *huk* sana naman kahit sa ganito lang na pagkakataon mapatawad mo ko *huk*", wala na kong naisip kundi gawin ang technique na ito with reality ofcourse. Nakita ko lang to sa isang babae na nagdrama sa labas ng room namin. May affair kasi sila ni Ronmart, yung bagong kaklase namin ni Johnny.
"Hoy ano ka ba, huwag ka ngang magdrama diyan, alam ko naman nagkukunwari ka lang eh, lumang tugtugin na yan, nakita ko na yan kay Sharie, akala mo maiisahan mo ko ha", ngeeh! Waaah epek!