Chapter 14

18 0 0
                                    

Chapter 14

Marky Pov.

"Hoy Leo! Anong dahilan mo? bakit mo yun nagawa ka Xtian?!", sigaw ko sa kanya. Medyo malayo kasi kami sa isa't isa.

"Bagay lang yun sa kanya, masyado kasi siyang pabida kaya tama lang yung ginawa ko", sabi niya habang nakangisi. Nakaleather siya na black at may suot na Gold Necklace na may simbolo na Cross. Tama nga'ng sinabi ni Vince, isa nga siya sa limang nambugbog kay Xtian.

"Dahil sa ginawa mo, hinding-hindi kita palalampasin", sumugod ako sa kanya pero natigilan ako nang umatras siya habang nakatingin sakin na parang nanlilisik yung mga mata at nakangiti hanggang sa nakatayo na siya sa edge ng building, "Anong ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba?!", sigaw ko sa kanya.

"Ano ba sa tingin mo?", sabi niya. Humakbang pa siya ng paatras dahilan ng pagkahulog niya. Tumakbo ako kaagad papunta dun sa edge para tingnan siya at nakita ko naman na nakakapit siya sa bintana ng fourth floor, bumitaw siya at kumapit ulit siya sa third floor, pagkatapos nun bumitaw na naman siya at kumapit sa bintana ng second floor hanggang sa bumitaw na naman at bumagsak na siya sa ground floor. Doon may nakatayo na motorcycle, sumakay siya at tumingin sakin sabay pakyu at umalis.

"Ang galing ng ginawa niya ha, hindi ko kaya yun", sabi ko sa sarili. Nagsidatingan naman yung mga pulis para aristuhin yung mga kalaban. Bumaba na ko para tingnan kung ano na yung nangyayari kina Johnny pati na rin yung mga ka-grupo niya.

Nakita ko siya na nakapamulsa lang habang nanonood sa mga kasamahan niya na nakikipaglaban habang nakahandusay naman yung malaking lalaki sa tabi niya, "Napatumba mo siya?", gulat na pagkakatanong ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ka pa ba naniniwala sa nakita mo", sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay.

"P-pa'no mo nagawa yun?".

"Bakit ka ba nagtatanong? Teka, kamusta ka naman doon sa taas?".

"Wala, nakatakas", pagkasabi ko nun parang nagtaka naman siya.

"Nakatakas? Pa'no nangyari yun eh nasa pinakatuktok kayo ng building? Paniguradong wala na yun mapupuntahan."

"Tumalon eh, tapos kumapit siya sa bintana ng fourth floor, pagkatapos ganun din ang ginawa niya sa third floor at second floor hanggang sa bumagsak na siya sa ground floor. Tapos may motor dun na nakatayo, yun ang sinakyan niya para makatakas,oh di ba ang galing?".

"Wow, at namangha ka pa ha. Sa susunod ako na ang haharap sa kanya, kung sayo nakatakas siya, sakin hindi. Magkikita pa rin kami.", sabi niya na parang naghahamon.

"Dumating na din yung mga pulis, sakto lang dahil patapos na din ang laban", sabi ko at tinulungan na namin ang iba pang kasamahan namin. Isa-isang dinampot ng mga pulis yung mga kalaban at nagpahinga na din kami sa sobrang pagod.

Sinabi na rin namin kay Timothy na nakatakas si Leo kaya wala na rin siyang nagawa, "Oh kayong dalawa, magpahinga na kayo't gabi na", sabi ni Timothy sa'min, kung makapag-utos parang boss ha, "Ay oo nga pala, may good news ako".

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon