Chapter 16
Johnny Pov.
"Aray ko, ang sakit ng ulo ko. Napasobra yata yung inom ko kagabe", sabi ko habang hinihimas ko yung ulo ko. Babangon na sana ako pero naramdaman ko na parang bumigat yung kaliwang kamay ko kaya napatingin ako kung ano yung nakaharanang.
"Venus?! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko pero mahimbing pa rin ang tulog niya, nakayakap siya sakin habang humihilik. Sinubukan kong kunin yung kamay niya mula sa pagkakayakap niya.
"Ano ba, natutulog yung tao eh", sabi niya habang natutulog. Wala na kong nagawa kundi hayaan na lang. Tinitigan ko yung mukha niya at napangiti na lang ako. Napakaganda niya at mala-anghel pala ang mukha niya pagnatutulog. Hindi ko naiwasan na halikan siya sa noo at yakapin siya ng mahigpit. Namiss ko talaga siya, at ayoko ko siyang pakawalan pa ulit, para sakin, siya na talaga ang nag-iisa at wala nang iba. Sana ganito na lang kami palagi araw-araw.
Nakatulog ako ulit habang nakayakap din sa kanya ng pabalik at paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Akala ko panaginip lang ang lahat pero biglang may naamoy ako na masarap mula sa kusina at pagpunta ko doon, nakita ko siyang nagluluto.
"Good Morning", masayang bati niya pagkakita niya sakin.
"Good Morning din, anong ginagawa mo?".
"Syempre nagluluto, ikaw? Kamusta gising mo?".
"Heto, medyo masakit pa yung ulo ko, teka bakit ka andito? Pa'no ka nakapasok?".
"Ako kaya naghatid sa'yo pauwi, grabe ang bigat-bigat mo".
Medyo nahiya naman ako sa ginawa niya, kahit may sakit siya, hindi niya pa rin ako natiis, "Maraming salamat, Uhmm... Venus, galit ka pa ba sakin?"
Tumigil muna siya pansamantala sa pagluluto, "Hindi na, sinabi na sa'kin ni kuya ang lahat. Naintindihan ko na kung bakit mo yun ginawa pero syempre masakit pa rin sa kalooban ko dahil sinabi mo yun sa'kin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit, "Humihingi talaga ako ng tawad, sana mapatawad mo pa 'ko".
"Ano ka ba, okay lang yun, ikaw naman oh, alam mo naman na love pa rin kita eh", napangiti naman ako sa sinabi niya at hinigpitan ko pa yung yakap. Pagkatapos nun bumitaw na ko at pinagpatuloy na niya ang pagluluto.
"Ano ba yang niluluto mo?".
"Hotdog tsaka itlog, pasensya ka na ha pinaki-alaman ko yung mga pagkain mo sa ref. Infairness ha, ang ganda ng Condo Unit mo, magkano yung binabayaran mo kada buwan?".
"Wala".
"Wala? Ibig sabihin libre ang pagtira mo dito? Ang swerte mo!".
"Anong libre, akin ang Building na 'to, pagmamay-ari ito ng mga magulang ko at ako ang namamahala dito".
"ANO?! ARAY!!!", bigla siyang napaso mula sa pagluluto niya kaya lumapit na kaagad ako para tingnan yung paso niya.
"Ayan kasi hindi ka nag-iingat, teka lang kukuha lang ako ng Ice", kumuha na nga ako ng yelo mula sa ref at dali-dali ko itong inilapat sa kanyang daliri kung saan siya napaso. Hindi ko namalayan na magkahawak na kami ng kamay at nagkatinginan kaming dalawa. Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya at ang sumunod niyang ginawa ay pinikit niya yung mata niya at unti-unti niya ring nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
Venus Pov.
Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, hindi ko alam kung anong gagawin kaya pinikit ko na lang yung mga mata ko at hinintay ko na lang na dumampi ang labi niya sa labi ko pero ang sumunod na nangyari, parang naramdaman ko na lang na may nagpunas sa gilid ng mata ko gamit ang daliri.