Chapter 9
Johnny Pov.
"Nakita mo si Xtian kanina? Grabe ang laki ng pagbabago niya noh?", gulat na pagkakasabi ni Venus.
"Oo na, kahapon pa yun eh, absent ka kasi".
"Pasensya na po, may lagnat si Nanay eh kaya walang mag aalaga sa kanya kundi ako lang", sarcastic niyang pagkakasabi.
Nung sinabi sakin ni Xtian na kapatid niya pala ang leader ng North Berlin Gang, syempre nagulat ako dahil hindi ko inakala na may kapatid pala siya, at ang nakakagulat dun eh mayaman pa, swerte lang ng kapatid niya dahil napunta siya sa mayamang pamilya.
Sinabihan ko si Xtian na gusto ko sanang makita at makilala yung kapatid niya kaso sabi naman niya, palagi yun busy at tuwing alas 9pm na ng gabi kung umuuwi. Sayang naman, hindi ko pa yun nakikita eh at tsaka gusto ko rin sana isama si Marky para magkita-kita yung mga leader ng East, South at North.
"Uy andito na si Prof.", sabi sakin ni Venus kaya nagsipagbalikan na kaming lahat sa upuan.
Pumasok na si Prof. at nagsimula na siyang magturo, habang nasa kalagitnaan kami ng klase, biglang tumunog yung cellphone ko kaya tumigil si Prof. nang pagtuturo at tumingin sakin, "Johnny, if you want to listen please turn off your cellphone and if you want to answer that call, go outside and fix that problem before I confiscate that".
"Yes Sir", sabi ko at lumabas ako ng Classroom para sagutin yung tawag.
"Hello, Mae! Ba't ka tumawag eh alam mo naman na nasa kalagitnaan kami ng klase?".
"Pasensya na kuya, gusto ko lang sana itanong kung nasa Condo Unit mo ba si Daddy ngayon, kasi baka umalis siya eh, may ibibigay sana ako sa kanya".
"Haist! Oo, andun siya, wala naman siyang sinabi sakin na aalis siya, nasa 408 na kwarto siya tumutuloy, sabihin mo na lang sa manager na pinapapasok kita".
"Sige salamat kuya!", at binaba na niya yung phone niya.
"Hay! Ano ba yan, lowbat na cellphone ko, bakit kasi nakalimutan ko pang i-charge 'to kahapon", sabi ko habang tinitingnan ko yung cellphone ko papasok ng Classroom.
Pagkabalik ko, tuloy pa rin sa pagtuturo si Prof. at hindi niya napansin na pumasok na pala ako, pagka-upo ko, tinanong ako ni Venus kung sino yung tumawag kaya sinabi ko naman sa kanya. Maya-maya may pumasok na isang messenger at may inabot itong letter kay Prof. at dumiretso kaagad palabas.
"Mr. Johnny Hidalgo, pwede ka nang umuwi ngayon dahil excuse ka sa araw na'to", sabi ni Prof. pagkatapos niyang mabasa yung laman ng liham.
"Po? Bakit Prof.?", pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kakarating lang ng Mama mo ngayon at gusto kang makita", pagkasabi yun ni Prof. ay agad na talaga akong tumakbo papalabas dala yung mga gamit ko.