Chapter 15
Johnny Pov.
Halos buong gabi akong hindi nakatulog nung sinabi niya yun sa'kin. Hindi ko akalain na may madadamay palang tao sa gulo na pinasukan ko. Hindi makakayanan ng konsensya ko pag may nangyari sa kanila, siguradong pagsisisihan ko talaga pagnangyari yun.
"Hoy, parang malalim yata ang iniisip natin ha, may problema ba?".
"Ikaw pala, akala ko kung sino", walang ganang sinabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman. May ini-expect ka bang ibang tao?".
"Umalis ka na nga dito Sm, hindi ka nakakatulong".
"Hanggang ngayon talaga hindi pa rin nawawala ang pagkasuplado mo", tapos tumingin siya sa ibang deriksyon, "Oh Venus, mabuti at dumating ka na, pagsabihan mo nga 'tong boyfriend mo, ang aga-aga mainit na ang ulo", sabi ni Sm sa kanya at umalis.
"Good Morning!", masayang bati sakin ni Venus, "Mainit na naman daw ang ulo mo sabi ni Sm, may problema ba?".
Huminga muna ako ng malalim, "Ven, may sasabihin ako sa'yo".
"Teka, ba't seryoso yata ang mukha mo? Ganyan ba talaga ka importante ang sasabihin mo?", sabi niya habang nakangiti, pero ang ngiting 'yan ay hindi na magtatagal.
"Ven, I'm breaking up with you".
Pagkasabi kong 'yon, parang namutla siya sa narinig niya at unti-unting nawawala glyung mga ngiti niya sa mukha, "Ha? B-Bakit? H-Huwag k-ka namang magbiro ng ganyan oh", she said with a broken voice.
"Ayoko naman talagang gawin 'to pero pakiramdam ko, nadadamay ka na sa magulong buhay ko. Ayoko na pati ikaw mapahamak nang dahil lang sa'kin kaya simula sa araw na 'to, tapos na tayo", sabi ko at iniwas ko na yung tingin ko sa kanya.
"Alam mo, simula nang nakilala kita, naging makabuluhan na ang buhay ko. Dahil sa'yo, nagkaroon ako ng maraming kaibigan at sayo ko lang naramdaman ang saya na hindi ko pa nararanasan mula pa noon. Ang taong matagal ko nang hinahanap na magmamahal sakin ay siya rin pala ang sasaktan sakin. Kahit kailan hindi ako nagreklamo sa magulong buhay mo dahil gusto kong maramdaman ang nararamdaman mo pero kung ayaw mo na talaga sakin, tatanggapin ko 'yon, ayoko ko nang ipilit ang sarili ko sayo dahil hindi naman ako desperada para habulin pa kita. Sana maging masaya ka na sa naging desisyon mo", sabi niya at tinakpan niya ng panyo ang mukha niya habang humihikbi.
Hindi ko napigilang lumingon sa kanya, binabagabag ako ng konsensya ko. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak dahil sa'kin, hahawakan ko na sana yung kamay niya pero bigla siyang tumayo at dire-diretsong lumabas ng kwarto. Nagtaka naman yung mga kaklase ko sa kanya kaya naman napatingin silang lahat sa'kin, "Naku naman", sabi ko sa sarili.
Pagkatapos ng klase, tinawagan ko si Timothy para sabihin sa kanya na nakipagkita sakin ang leader ng West Berlin Gang kaya pinapunta ako ni Vince doon sa mala-Mansyon niyang Warehouse para doon na lang kami mag-usap.
Pagkarating ko dun, nakita ko siyang naka-upo lang at nasa gilid niya si Timothy na nakatayo habang naghihintay lang sila sa'kin.
"Nasa'n si Marky?", tanong ko sa kanila.
"Tinawagan ko na siya, papunta na daw siya dito", sabi sakin ni Vince.
"Ganun ba", sabi ko na lang. Hindi ko alam pero parang may bad feeling akong nararamdaman ngayon. Maya-maya biglang bumukas ang pinto ng sobrang lakas at nakita naming tatlo si Marky na galit na galit.
"Nasa'n si Johnny?!", galit niyang sinabi, napalingon siya sa'kin at bigla siyang sumugod sabay suntok sakin na sobrang lakas dahilan ng pagkatumba ko, "Walanghiya ka! Di ba sabi ko sa'yo pagsinaktan mo ang kapatid ko ang makakalaban mo?! Bakit mo 'yon ginawa sa kanya?! Sabihin mo!".