Chapter 12

15 0 0
                                    

Chapter 12

Jhenny Pov.

"Sino sa'tin ang bibili ng Art Material?", sabi ng isa kong kaklase. May meeting kami ngayon bilang group member. May gagawin kami kasing Art Project at nagtuturuan kami kung ano ang gagawin namin.

"Si Jhenny na lang, wala naman siyang gagawin mamaya eh".

"Ako? E kasi—-", hindi pa ko tapos magsalita ay agad nang nagsalita ang isa kong kaklase.

"Sige na, bibili ka lang naman ng Art Materials eh, mas madali na nga yun kaysa kami yung gagawa ng project natin", wala na kong nagawa kundi pumayag na lang. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Leo na dadaan muna ako nang Mall at may bibilhin lang, baka sakaling sunduin niya ko ng maaga para naman hindi siya magtaka kung hindi ko siya hinintay.

Maagang natapos yung klase namin dahil binigyan kami ng oras ng adviser namin para makapag umpisa na kami sa ginagawa naming project. Isa-isang nagsipagbigayan ng pera yung mga kaklase ko para dun sa art material na bibilhin namin. Nagderitso na kong pumunta sa Mall para bumili. Pagkatapos kong bumili ng mga art material doon sa School Supply Area, bumili muna ako ng Shake para hindi naman ako madaling mapagod sa kadadala. Paalis na sana ako nang may nakita akong isang lalaki na nakatalikod habang namimili siya ng mga kwentas sa loob ng isang jewelry Shop. Pagharap niya, nakita ko ang mukha ni Leo kaya masaya akong lumapit sa kanya. Papalapit na sana ako pero biglang bumigat ang paa ko dahil may isang babae ang lumapit sa kanya at hinalikan ito sa labi. Binili ni Leo ang isang kwentas at isinuot niya ito sa babaeng kasama niya. Pagkatapos niyang isinuot, nagyakapan silang dalawa. Nakita niya ako pero hindi siya tumigil sa pagkakayakap, sa halip tiningnan niya lang ako at ngumiti. Yung ngiti na parang pinapakita niya sakin na niloko niya ako dahilan ng pagpatak ng luha ko galing sa dalawa kong mata. Umalis na silang dalawa na parang walang pakialam na may nasaktan silang isang tao. Ito ba ang dahilan kung bakit palagi siyang huli sa pagsundo sakin? Dahil may iba pala siyang minamahal, at ang taong yun ay hindi pala ako? Ang sakit, ang sakit talaga.

Gusto kong magalit, gusto kong magalit sa kanya kaso hindi ko magawa dahil mahina ako. Oo, napakatapang ko at kung sinong tao, lalaki man o babae, kinakalaban ko. Pero pagdating sa pag-ibig, doon ako nanghihina, dahil mas masakit pa ito kaysa sa pisikal na away. Tulala ako paglabas ko ng Mall, pakiramdam ko parang may nangyari na hindi ko matanggap sa'king sarili. Sa paglalakad ko, may nabangga akong isang tao pero hindi ko siya pinansin. Kahit masakit ang pagkakabangga niya, wala pa ring sasakit sa nararamdaman ko ngayon.

"Jhenny?", isang boses babae ang narinig ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko ang isang kaibigan, isang kaibigan kung saan siya lang ang palagi kong pinagkakatiwalaan, "V-Venus?".

Lumapit siya sakin na may halong pag-alala sa kanyang mukha, "Anong nangyari sa'yo, ba't namumugto ang mata mo?".

"V-venus *huk* venus *huk* uwaaah! Ang sakit, masakit talaga pakiramdam ko ngayon *huk* niloko niya ko *huk* niloko ako ni Leo *huk* hindi ko akalain na gagawin niya yun sakin *huk* akala ko mahal niya ko, akala ko gusto niya ko pero hindi pala *huk* ang sakit ng puso ko, pakiramdam ko nahihirapan na ko sa paghinga *huk* Venus tulungan mo ko... huhuhu *huk*", sabi ko sa kanya habang wala akong tigil sa pag-iyak.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon